DOJ

DOJ nagtakda ng pagdinig sa Degamo case

Hector Lawas Jul 3, 2023
174 Views

NAGTAKDA ng pagdinig ang Department of Justice (DOJ) sa Hulyo 17 para sa multiple murder complaint na inihain laban kay suspended Negros Oriental Rep. Arnolfo “Arnie” Teves Jr. kaugnay ng pagpatay kay Gov. Roel Degamo at siyam na iba pa.

Inaasahan na sa susunod na pagdinig ay maghahain ng kanilang counter-affidavit ang mga suspek sa insidente.

Ayon kay Atty. Andres Manuel, isa sa mga abugado ng mga suspek, pinag-aaralan pa ng kanilang kampo kung maghahain pa ng counter-affidavit o iba pang pleadings.

Sinabi rin ni Manuel na lima pang suspek ang tumalikod na sa kanilang naunang pahayag sa isinagawang preliminary investigation ng DOJ.

Sampung suspek na ang bumaliktad sa kanilang naunang pahayag kaya naniniwala si Manuel na humina na ang kaso laban kay Teves.

Nauna ng itinanggi ni Teves ang alegasyon sa kanya.

Nananatili naman itong nasa ibang bansa kahit na expired na ang ibinigay sa kanyang travel authority ng Kamara de Representantes.