PAGPTD

DOKTOR NAHALAL NA BAGONG LIDER NG PAGPTD

92 Views

Nahalal bilang bagong tagapangulo ng Provincial Advisory Group for Police Transformation and Development (PAGPTD) si Dr. Keith Mikhal Tan, (ikatlo mula sa kaliwa sa itaas na hanay), isang surgeon at panganay na anak ni Quezon Governor Angelina Tan na kumakatawan sa health sector. Siya ay nahalal sa isinagawang 4th Joint PGPTD and Provincial Technical Working Group (PTWG) sa Fiesta Infanta, Brgy. Ingas, Infanta, Quezon noong Huwebes. Si Tan ay isang Dean’s Lister graduate ng BS Biology sa University of Sto. Tomas. Siya ay nagtapos ng medesina sa U.S.T. Faculty of Medicine and Surgery. Kasalukuyan siyang chief executive officer ng RAKKK Prophet Medical Center, Inc., at provincial coordinator ng Serbisyong Tunay at Natural (STAN) para sa medical and surgical mission nito. Si Tan ay napaggihitnaan nina (mula sa kaliwa) National Police Commision (Napolcom) regional director Ronald Banzuela, Infanta Vice- Mayor at Quezon Vice- Mayor’s League president Lord Arnel Ruanto, Quezon police deputy director Lt. Col. William Angway, Infanta Councilor Marlon Potes na kumatawan sa kanyang mayor, at dating provincial prisecutor attorney Alberto Vizcocho na siyang pinalitan ni Tan. Nasa ibabang hanay naman ang mga kasapi ng PAGPTD na kumakatawan sa iba’t- ibang sektor. Kuha ni GEMI FORMARAN