Sampulna

Dolomite beach bubuksan na muli sa publiko

Cory Martinez Jun 1, 2022
281 Views

MULING bubuksan sa publiko ang Dolomite Beach sa Manila Baywalk sa Hunyo 12, ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Ayon kay acting DENR Secretary Jim Sampluna ang Dolomite beach ang isa sa mga legacy na iiwanan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Naging kontrobersyal ang paglalagay ng dolomite sand sa lugar dahil sa posible umanong panganib na dala nito sa kalusugan.

Dumepensa naman ang DENR at sinabi na ikinonsulta sa mga eksperto ang proyektong it na nagkakahalaga ng P389 milyon.

Ipinaalala naman ng DENR na hindi maaaring languyan ang beach dahil mataas pa ang fecal coliform level sa lugar.