DOST

DOST gagamit ng AI para sa mas detalyadong weather forecast

249 Views

GAGAMITIN ang artificial intelligence (AIS) ang Department of Science and Technology (DOST) para sa mas detalyadong weather forecast araw-araw.

Ayon kay Assistant Secretary Napoleon Juanillo isang memorandum of understanding ang nilagdaan ng DOST at Atmo, isang US-based company para sa AI-guided weather forecasting.

Sinabi ni Juanillo na makatutulong ang mas detalyado at accurate na forecast sa mga magsasaka at mangingisda.

Ang Atmo ay nakikipag-ugnayan na umano sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) para sa programang ito.