DOST Ang symbolic na pagsindi ng tanglaw ng mga opisyal ng DOST

DOST-S4CP summit ipinakita mga teknolohiyang pang-agrikultura, enerhiya at kalusugan para sa MSMEs ng NCR, South Luzon

165 Views

IDINAOS ng Department of Science and Technology – Science for Change Program (DOST-S4CP) ang pinaka huling Summit nuong Biyernes, ika-10 ng Hunyo 2022 sa Crimson Hotel sa Alabang.

Naging pokus ng S4CP Summit ang mga teknolohiyang sumusuporta sa agriculture, pharmaceutical products, at teknolohiyang tutulong sa micro, small and medium enterprises (MSMEs) sa National Capital Region (NCR) at South Luzon.

Umaabot sa P1.16 billion ang nabigay na funding ng DOST-S4CP sa NCR and South Luzon. Patuloy ang suporta ng Science for Change Program sa mga R&D projects sa Manila, kahit na isa sa mga prayoridad nito ang pagpapataas ng pondo mula sa gobyerno para sa mga rehiyon. Mayroong Php 880 Million para sa NICERs (15 NICERs), Php 8.49 Million para sa RD Lead (20 RD Leads), P258.5 million para sa CRADLE (55 CRADLE) at P20.95 million para sa BIST (2 BISTs).

“Nagkakaroon ng mga bagong magka-alyado at pinagtutugma ang pagsisikap ng mga lokal na komunidad pang-agham sa ilalim ng Science for Change Program, upang suportahan ang adhikaing pag-unlad ng ating bansa,” ani DOST Secretary Fortunato T. de la Peña. “Upang paigtingin ang R&D sa bansa, kailangang maipokus ang ating kakayahan at yaman sa mga sustainable solutions na makapag-aambag sa paglago ng ating ekonomiya.”

“Ang patuloy na paglaganap ng S4CP ang daan tungo sa kinabukasan. Tayong mga STI Champions, ay may responsibilidad na patuloy hikayatin ang mas marami pa na maging partners natin na nagsasagawa ng R&D sa bansa. Kailangang manatiling dalisay ang ating pagtugis sa pag-sulong ng Agham at Teknolohiya na magreresulta sa mas akmang solusyon para sa lipunan ,” ayon kay DOST Undersecretary for Regional Operations Sancho A. Mabborang.

Nabigyang pokus ang plasma coating technology para sa muwebles na dine-develop ng University of the Philippines – Diliman at Filipinas Oro de Cacao, Inc. Ito ay proyekto sa ilalim ng Funded by the Collaborative Research and Development to Leverage Philippine Economy (CRADLE) Program ng DOST-S4CP. Ang proyekto ay gagawa ng dry-based cleaning system para sa food manufacturing industry. Sa pamamagitan ng proyektong ito, mas mapapaayos at mas mapapamura ang operating expenses ng isang local na kumpanya dahil gagamit na sila ng plasma cleaning technology na hindi gumagamit ng mamahaling wet-based chemicals. Mababawasan din ang dumi na nagagawa sa pagpoproseso ng paglilinis.

Ipinakita din sa Summit ang ibang R&D breakthroughs gaya ng proyekto ng UP Diliman at Batangas Egg Producers Cooperative (BEPCO) na gumawa ng pinulbos na itlog (egg powder) mula sa from mababang halaga o may basag na mga itlog. Mayroon ding pag-aaral sa sambong na i-standardize ang paggamit sa therapeutic medicine. Ito ay proyekto ng Pascual Pharma Corporation at Technological Institute of the Philippines.

Para sa Niche Centers in the Regions for R&D (NICER) Program, apat na innovation centers ang naitayo sa Metro Manila at South Luzon. Ang Center for Advanced Materials for Clean Energy Technologies based on Indigenous Materials (CAMCET) ay isang center sa University of Santo Tomas. Sa programang ito, gagamit ng indigenous materials para sa fuel cell at energy storage applications. Ang fuel cells ay may gamit kagaya ng batteries.

Ang iba pang NICERs sa NCR at South Luzon ay ang Pili R&D Center sa Bicol University, NICER Native Pig Center sa Marinduque State University, at NICER on Disaster Risk Reduction and Management Center sa University of the Philippines – Manila.

“Sa matagal na panahon, mas malaking pondo para sa R&D ang naibibigay ng gobyerno sa NCR, CALABARZON at Central Luzon, kaya ang abilidad sa inobasyon ay mas mataas at ang paglago ng ekonomiya ay mas mabilis din sa tatlong rehiyong ito, kumpara sa ibang rehiyon ng bansa. Ito ang rason kaya binuo ng DOST ang S4CP upang matugunan ang problemang ito, at maisulong ang STI sa ating bansa,” ayon kay DOST Undersecretary for R&D Rowena Cristina L. Guevara. “Ang S4CP Summit ay panawagan sa ating mga stakeholders na suportahan ang regional development sa pamamagitan ng Science for Change Program.”

Para sa mga kumpanya na gustong magbigay ng proposal sa DOST-S4CP, maari kayong pumunta sa DOST-Science for Change Project Management Office sa 2/F ADMATEL Bldg., DOST Compound, Gen. Santos Ave., Bicutan, Taguig City, na may teleponong (02) 8837-2943/ 8837-2930. Maaari ding magpadala ng email sa [email protected].