Calendar
DOT, DOST palalakasin turismo ng Pilipinas
LUMAGDA sa kasunduan ang Department of Tourism (DOT) at Department of Science and Technology (DOST) para sa bagong convergence initiatives upang palakasin ang turismo sa pamamagitan ng science-based innovations noong Agosto 28.
Pinangunahan nina Tourism Secretary Christina Garcia Frasco at DOST Secretary Dr. Renato Solidum Jr. ang Memorandum of Understanding (MOU) signing para isulong ang Smart and Sustainable Communities Program (SSCP) sa Casa Manila sa Intramuros.
People-centric at technology-driven ang SSCP na diskarte upang mapadali ang pag-unlad o pagbabago ng mga komunidad upang maging matalino, sustainable, resilient at inclusive na isinasaalang-alang ang pagiging natatangi at potensyal na paglago ng komunidad.
Isa pang MOA ang nilagdaan ng dalawang ahensya upang bumuo at mag-deploy ng TourLISTA 2.0 app.
Tinatawag na Tourism Live-Inventory at Statistics of Tourist Arrivals, isang web-based na tool ang TourLista 2.0 para sa pagsusuri ng mga tourist arrival at nag-aalok ng mga real-time na update, advanced data visualization tool at komprehensibong imbentaryo at istatistika para bigyang kapangyarihan ang mga stakeholder ng turismo.
Upang gawing mas inklusibo ang turismo at palawakin ang halal na turismo na handog ng bansa, tinanggap din ni Kalihim Frasco ang halal modules na binuo ng DOST sa isang seremonya noong Miyerkules bilang bahagi ng okasyon ng Pamana Agham.
Ang paggawa ng Pilipinas na Muslim-friendly, kung saan ang halal isa sa mga pangunahing sangkap kabilang sa mga kasalukuyang thrust ng DOT na pag-iba-ibahin ang mga produktong turismo.