Dizon

DoTr sec bumuo ng committee sa transport program

Jun I Legaspi Mar 31, 2025
43 Views

NILAGDAAN ni Transportation Secretary Vince Dizon noong Lunes ang Special Order No. 2025-152 na bumubuo sa Special Committee for the Review of the Public Transport Modernization Program (PTMP) upang talakayin ang mga isyu kaugnay ng programa ng modernisasyon kasunod ng panawagan mula sa iba’t-ibang grupo ng transportasyon.

Sa ilalim ng kautusan, inatasan ni Sec. Dizon ang mga miyembro ng komite na makipagpulong sa iba’t-ibang sektor, suriin ang kasalukuyang estado at progreso ng program at tukuyin ang mga suliranin at pangangailangan na may kinalaman sa PTMP.

Pangungunahan ng Undersecretary for Road Transport and Non-Infrastructure ang komite kasama ang mga miyembro ng Undersecretary for Road Transport and Infrastructure, Assistant Secretary for Road Transport and Non-Infrastructure, Chairman ng Office of Transportation Cooperatives (OTS), at Assistant Secretary ng Land Transportation Office (LTO).

Inaasahang magsusumite ang komite ng kanilang mga rekomendasyon kaugnay ng PTMP kay Sec. Dizon sa susunod na linggo.