Calendar

Drug ops target, 2 ‘kasabwat’ huli, P2.7M droga nakuha sa Malate buy-bust
NATIMBOG ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Manila Police District (MPD) angsa target ng operasyon kabilang ang dalawang umano’y kasabwat buy-bust operation na ikinasa Martes ng hapon sa Quirino Avenue malapit sa Madre Ignacia Street,Barangay 701, Malate, Manila.
Kinilala ni Police Major Salvador Iñigo Jr, Officer in Charge (OIC) ng District Enforcement Unit, kasama si Police Staff Sergeant Rommel Tungol at iba pang operatiba ang target ng operasyon na si alyas Eyat, 32,may ka live-in ng Zaragosa Street, Tondo
Samantala,binitbit din ang dalawang umano’y kasabwat na sina alyas Ana ,27, may asawa, tubong Marawi at isang alyas Jason, 35, driver, ng Tondo, Manila.
Batay sa ulat ng pulisya,bandang 4:50 ng hapon nang ikasa ang bentahan ng droga sa lugar.
Dahil sa mapagkakatiwalaang impormante sa tulong ng mga operatiba, dinampot ang mga suspek sa buy-bust operation
Ipinain ang buy-bust money na bumbuo ng 500 genuine at 24 pirasong pekeng salpi..
Narekober ang 305 na gramo ng hinihinalang shabu na ginamit sa bentahan sa halagang P2,500 kabilang ang budol money
Bukod dito , nakita rin ng mga otoridad na nakasilid sa itim na sling bag ang isang cal. 45 pistol, isang cal. 45 Magazine at anim na bala.
Nahaharap ang mga suspek sa paglabag sa Article ll ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drug of 2002) kabilang ang target ng operasyon na nakitaan ng baril.