Eduardo

Drug rehab center sa Cavite binuksan

Dennis Abrina Jun 25, 2022
204 Views

INANUNSYO ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na bukas na ang 480-bed capacity Drug Abuse Treatment and Rehabilitation Center (DATRC) sa Trece Martires City, Cavite.

“Our journey towards bringing our illegal drug dependent kababayans closer to reintegration and recovery is now closer to reality with this five-hectare DATRC here in Cavite. This is another part of the Duterte Legacy that has truly impacted the lives of our fellow Filipinos,” sabi ni DILG Sec. Eduardo Año.

Pinasalamatan din ni Año si Pangulong Rodrigo Roa Duterte dahil sa pagpupunyagi nito na labanan ang iligal na droga na itinuturing umanong salot sa lipunan na nagbigay daan sa pagtatayo ng Community-based Drug Rehabilitation Program (CBDRP).

“With his tapang at malasakit brand of leadership, President Duterte mobilized the Philippine National Police, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), and other allied government instrumentalities to wage a full-blown campaign to crack down the illegal drug market and stop the distribution of illegal substances from different parts of the country,” sabi ni Año.

Ang bagong tayong DATRC ay nagkakahalaga ng P846 milyon at bahagi ng programa ng Japan International Cooperation Agency (JICA).

Ang limang hektaryang lupa kung saan itinayo ang DATRC ay donasyon ng Provincial Government ng Cavite. Ito ay patatakbuhin ng Department of Health.

Kaya nitong mag-accommodate ng 400 lalaki at 80 babaeng pasyente. Ang pasilidad ay mayroong Processing Building, Medical, at Admin Building, Family Waiting Area, Reception/Information, Nurse’s Station, Observation Room, Conference room, Office of the TRC Chief, Visitors building, Garden, Prayer hall, Covered Walkway, Male/Female Patient Dormitory, Activity Center, Training Building, Staff dormitory, Transition Dormitory, at Activity Center.