Drunk driver nahuli ng maaksidente

116 Views

ARESTADO ang 39-anyos na lalaki na nagmaneho umano kahit naka-inom matapos itong maaksidente sa Quezon City.

Kinilala ang suspek na si Jesson Siangcua, residente ng Sto. Cristo, Bago Bantay, Quezon City.

Nagmaneho umano ang suspek kahit na naka-inom ito. Pagdating sa Commonwealth Avenue ay nawalan umano ang suspek ng kontrol sa manibela kaya bumangga ang minamaneho nitong van sa mga concrete barrier na nagresulta sa pagkasugat ng tatlo nitong pasahero.

Ang suspek ay sinampahan ng reklamong paglabag sa Section 5 ng Act Penalizing Persons Driving under the Influence of Alcohol, Dangerous Drugs and Similar Substances (RA 10586) sa Office of Assistant City Prosecutor Cherry Grace Gamboa-Castro.

Nakikipag-ugnayan din ang pulisya sa Land Transportation Office (LTO) kaugnay ng posibleng pagbawi sa lisensya ng driver.