Calendar
DS Frasco, pinangunahan ang pagpapasinaya ng bagong covered court sa Borbon, Cebu
𝗔𝗡𝗚 𝗶𝘀𝗮 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗮𝗱𝗯𝗼𝗸𝗮𝘀𝗶𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗶𝘀𝗶𝗻𝘂𝘀𝘂𝗹𝗼𝗻𝗴 𝗻𝗶 𝗛𝗼𝘂𝘀𝗲 𝗗𝗲𝗽𝘂𝘁𝘆 𝗦𝗽𝗲𝗮𝗸𝗲𝗿 𝗮𝘁 𝗖𝗲𝗯𝘂 𝟱𝘁𝗵 𝗗𝗶𝘀𝘁. 𝗖𝗼𝗻𝗴. 𝗩𝗶𝗻𝗰𝗲𝗻𝘁 𝗙𝗿𝗮𝗻𝗰𝗼 “𝗗𝘂𝗸𝗲” 𝗗. 𝗙𝗿𝗮𝘀𝗰𝗼 𝗮𝘆 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗮𝗹𝗮𝗸𝗮𝘀 𝗻𝗴 “𝘀𝗽𝗼𝗿𝘁𝘀 𝗱𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁” 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝗻𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗹𝗮𝗹𝗮𝘄𝗶𝗴𝗮𝗻 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝗺𝗮𝘀 𝗹𝗮𝗹𝗼𝗻𝗴 𝗺𝗮-𝗲𝗻𝗴𝗴𝗮𝗻𝘆𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗿𝗮𝗺𝗶𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗯𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻 𝗱𝗶𝘁𝗼 𝗻𝗮 𝗹𝘂𝗺𝗮𝗵𝗼𝗸 𝘀𝗮 𝗹𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗹𝗮𝗸𝗮𝘀𝗮𝗻.
Pinangunahan ni Frasco ang pagpapasinaya sa ipinatayo nitong bagong covered court sa Barangay ng San Jose sa Munisipalidad ng Borbon, Cebu kasunod ang ginanap na turn-over ceremony para sa nasabing bagong estraktura.
Ikinalulugod ni Frasco na maraming kabataan sa kanilang lalawigan ang mahihikayat na mag-basketball dahil sa state-of-the art covered court nila na nagkakahalaga ng P5 million.
Inaasahan na maraming kabataan sa San Jose ang inspirado ngayong maglaro ng basketball at iba pang laro dahil sa kanilang bagong covered court. Ang iba ay maaaring nagnanais na sumunod sa yapak ng Cebuano PBA Player na si Junmar Fajardo ng San Miguel Beermen na nagsimula ang basketball career sa mga payak na covered court.
Maging si Frasco ay nagkakaroon din ng inspirasyon sa tuwing makikita nito ang mga kabataan na taos pusong nagpapasalamat sa kaniya dahil sa napakaganda at modernong covered court na ipinapatayo nito.
“Ang mga ipinapagawa at ipinatatayo nating covered court ang nagiging inspirasyon ng mga kabataan para lalo silang lumahok sa sports. Kumbaga, ganado sila dahil sa magagandang covered na ipinapagawa natin para sa kanila. Kaya naman tayo rin ay ganado para isulong ang proyektong ito,” sabi ni Frasco.