Suarez

DS Suarez nagpahayag ng pangamba sa biro ni VP Sara

Mar Rodriguez Jul 13, 2024
103 Views

NAGPAHAYAG ng pangamba si Deputy Speaker at Quezon Representative David “Jay-jay” Suarez sa posibleng negatibong epekto ng naging pahayag kamakailan ni Vice President Sara Duterte na itinatalaga ang kanyang sarili bilang “designated survivor.”

“Offhand, the VP’s statements are not what we expected from someone holding the second highest office in the land,” ayon kay Suarez.

“Ang kanyang pahayag ay nagpapakita ng kakulangan ng maturity na dapat ay taglay niya bilang isang mataas na opisyal ng gobyerno,” dagdag pa ng mambabatas.

Si Suarez ay isa lamang sa mga kongresista na nagpahayag ng agam-agam sa naging pahayag ng Ikalawang Pangulo at patuloy na lumalaki ang bilang ng mga ito.

“It raises a critical question: What are the implications of such a statement for the safety and unity of our government leaders?” ayon pa sa mambabatas.

“Regardless of her intentions, her remark is a reminder of the importance of ensuring the security and safety of the President and other officials in the line of succession,” giit ng lider ng Kamara.

Ang naging komento ng Bise Presidente, ayon kay Suarez, ay tila nagpapalakas sa lumalaking hinala na ang kanyang pagpapakita ng pakikiisa kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noon ay pakitang-tao lamang.

“Ngayon ay mas nagiging malinaw sa atin ang tunay na intensyon at pagkatao ni Vice President Duterte,” dagdag pa ni Suarez.