Calendar
Duterte nakakulong dahil sa pagkamatay ng libo-libong drug suspek
ISANG mapagpalang araw sa lahat ng ating suki, lalo na sa ibang bansa.
Binabati natin ang mga kababayan natin sa Japan na sina Ma. Theresa Yasuki, Patricia Coronel, Winger dela Cruz, La Dy Pinky, Endo Yumi, Tata Yap Yamazaki, Yoshiko Katsumata, Hiroki Hayashi, Roana San Jose at kay Hiroshi Katsumata, na nagdiwang ng kanyang kaarawan Disyembre 14.
Happy Birthday, kaibigan!
Binabati rin natin sina Joann de Guzman at iba pang OFW natin sa Oman.
Nawa’y nasa mabuti kayong kalagayan at kalusugan.
(Para sa inyong pagbati at opinyon, mag-text sa # +63 9178624484)
***
Sana mai-dispatsa na ng iba’t ibang collection districts sa bansa ang mga abandonado at kumpiskadong shipments bago matapos ang taon.
Sa ilalim ng batas ay puwedeng isubasta, sirain o i-donate ng Bureau of Customs (BOC) ang mga nasabing kargamento.
Ang mga puwedeng pakinabangan, kadalasan ay ibinibigay sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para ipamahagi sa mga biktima ng kalamidad.
Ang mga sasakyan at iba pang mamahaling gamit ay ipinagbibili naman sa pamamagitan ng public auction para makalikom ng pondo.
Ganyan ang ginawa sa mga luxury cars na nakumpiska ng BOC sa mag-asawang Curlee at Sarah Discaya dahil di nila maipakita ang mga dokumentong nagpapatunay na legal ang importasyon ng mga ito.
Ang pagsubasta sa mga abandonado at kumpiskadong shipments ay nakatutulong din sa revenue collection efforts nina BOC Commissioner Ariel Nepomuceno.
Samanatalang ang mga iligal na droga, kagaya ng shabu, cocaine, ecstasy at marijuana, at iba pang produkto na makasasama sa kalusugan ng tao ay isinasalin sa pag-iingat ng Philippine Drug Enforcement Agency para sirain at hindi na maibenta sa merkado.
Sa taong ito ay naatasang mangolekta ang BOC ng buwis at taripa na halos P1 trilyung.
Naniniwala tayo na maaabot ng BOC ang assigned tax take nito bago matapos ang 2025.
Tama ba, Finance Secretary Frederick Go at Customs Commissioner Ariel Nepomuceno?
***
Sa ilalim ng panunungkulan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., tuloy-tuloy ang kampanya laban sa mga ipinagbabawal na gamot.
Ito ay hindi lang sa mga syudad at malalaking bayan kundi sa buong bansa dahil nandiyan pa rin ang problemang sumisira sa buhay ng mga kababayan natin.
Lalo na sa mga kabataan na kadalasang biktima ng tinatawag na “drug monster.”
Hindi kagaya ng madugong giyera laban sa droga ni dating President Rody Duterte, ang kay Pangulong Marcos ay “bloodless but highly effective.”
Ngayon ay wala kang naririnig na namatay na drug user o pusher dahil “nanlaban sa mga otoridad.”
Hinuhuli ang mga suspek at ikinukulong para mabigyan ng pagkakataong magbagong buhay at makabalik sa mainstream society.
Kaya nga nakakulong ngayon sa The Hague si Duterte dahil sa pagkamatay ng libu-libong tao na mga pinaghinalaang sangkot sa illegal drugs.
Dapat talagang maaresto ang mga gumagamit ng mga pinagbabawal na gamot. Hindi upang ikulong kundi upang dalhin sa drug rehabilitation centers,
Sa tingin natin suportado ng mga magulang ang kampanyang ito ng gobyerno dahil maging sila ay gustong magbago ang kanilang mga anak.
Madalas kasi ay nawawala sa sarili ang mga gumagamit ng droga. Kung hindi ire-rehabilitate ay mananatili silang sakit sa ulo ng mga magulang at otoridad.

