Vic Reyes

Mag-ingat sa ubo, sipon na dulot ng malamig na Pasko

Vic Reyes Dec 10, 2025
255 Views

MALIGAYANG araw sa lahat ng ating mga suki, lalo na sa mga kababayan natin sa Japan at iba pang panig ng daigdig.

Nawa’y nasa mabuti at ligtas kayong kalagayan.

Binabati natin sina Ma. Theresa Yasuki, Roana San Jose, Mama Aki ng Ihawan, Glenn Raganas, Patricia Coronel, La Dy Pinky, Endo Yumi, Winger dela Cruz, Yoshiko Katsumata, Josie Gelo, Hiroki Hayashi, at Hiroshi Katsumata.

Binabati rin natin si Joann de Guzman at mga kasama niya sa Oman; Dolores Monfero, Delia Sunga ng Saudi Arabia.

God Bless sa inyong lahat!

(Para sa inyong komento at pagbati, mag-text sa:+63 9178624484/email:philipreyes08@yahoo.com. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)

***

Bilang isang miyembro ng tinatawag na “Waterfront Community” sa Manila ay hindi na tayo nagtaka kung bakit ganoon na lang ang suporta ng mga negosyante sa pamunuan ng Bureau of Customs (BOC).

Ang mga lokal at dayuhang negosyante ay naniniwala na nasa tamang landas ang pamunuan ng BOC sa mga ipinapatupad na pagbabago o reporma sa dating “snake-infested” na aduana.

Ipinarating ng foreign business leaders ang kanilang pagsang-ayon sa mga ginagawa ng BOC sa general assembly ng Customs Industry Consultative and Advisory Council (CICAC).

Ang nasabing CICAC meeting ay ginanap noong Nobyembre 27 sa opisina ng influential na Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce of Industry, Inc. sa Binondo, Manila.

Ang mga representante ng pribadong sektor, opisyal ng BOC at leaders ng ibat-ibang trade groups “shared first hand observations on BOC’s improved transparency, enhanced predictability and strengthened collaboration with industry.”

Ang sabi nga ni Rex Daryanani, chair ng Indian Chambers of Commerce (Phils), Inc. ay “as partners in nation-building, the business community stands firmly with the bureau in its noble mission.”

Ito ang pangongolekta ng “correct taxes, ensure fairness in trade, and to decisively eradicate all forms of graft and corruption.”

Ang pahayag ni Daryanani ay nagpapakita lamang ng pagtitiwala ng mga dayuhang negosyante sa kakayahan nina BOC Commissioner Ariel F. Nepomuceno na pangalagaan ang interests ng waterfront stakeholders.

Tiwala tayo na hindi bibiguin ni Commissioner Nepomuceno ang mga dayuhan at lokal na negosyante.

Ang totoo ay inulit na naman niya sa harapan ng mga negosyante ang determinasyon ng BOC na ituloy ang tinatawag niyang “service-oriented approach strategy.”

“Gusto naming marinig ang kailangan ninyo, again, to facilitate trade, to improve your business, and makes Customs your partner, not your problem.”

Tama si Commissioner Nepomuceno, ang gobyerno, sa pamamagitan ng BOC, ay nandiyan para tulungan ang mga nagne-negosyo sa bansa.

Nandiyan ang mga opisyal at kawani ng ahensiya para tiyakin na nasa ayos ang lahat ng mga kaganapan sa mga pantalan.

Hindi sila nandiyan para pahirapan ang mga nagne-negosyo sa Pilipinas dahil alam nila na malaki ang natitutulong ng mga negosyante sa bansa.

At huwag nating kalimutan na kung wala ang mga importador ay walang papasok na buwis at taripa sa kaban ni Juan dela Cruz.

Ano ang papatawan nilla ng buwis at taripa kung walang parating na shipments na naglalaman ng iba’t ibang produkto?

Kaya tama lang na kailangang magtulungan ang BOC at port users, kabilang na ang mga negosyante at customs brokers.

Walang dapat pag-awayan ang mga ito dahil bilang“partners in nation-building,” iisa ang kanilang misyon.

Ito ang matulungan ang Pilipinas, isang Third World country, na umuunlad sa gitna ng maraming problema at pagsubok.

***

Ngayon ay gumiginaw na sa Pilipinas dahil sa mga malalamig na hanging nanggagaling sa mga natutunaw na yelo sa China at Siberia.

Ang ibig sabihin nito ay talagang Paskong-Pasko na sa bansa.

Nandiyan na ang mga Christmas parties na nagpapasaya sa mga bata.

Malaking problema lang ang pagdami ng bilang ng mga nagkakasakit ng ubo at sipon.

Preventable at curable naman ang mga sakit na ito.

Ang karamihan ng nagkakasakit ay mga mag-aaral at paslit.

Ang kailangan lang ay ibayong pag-iingat.

At dapat siguruhin na may sapat na gamot sa mga barangay at municipal health centers sa buong bansa, lalo na sa kanayunan.

Malaking tulong ito, lalo na sa mga kababayan nating mahihirap.

Hindi puwedeng umasa lang sila sa serbisyo ng mga herbolaryo o quack doctor.

Inilalagay lang natin sa peligro ang buhay ng mga batang maysakit na sipon o ubo kung tapal-tapal lang ng kung anu-anong dahon ang gagawin ng herbolaryo.

Kung maari nga ay 24 hours ang duty ng mga barangay health workers para may pagkukunan kaagad ng gamot sa komunidad.

Tama ba kami, Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Health Secretary Ted Herbosa?