DY Pinasinayahan ni House Deputy Majority Leader at Isabela Cong. Inno Dy ang Road Concreting Project sa Kaniyang lalawigan.

Dy nargregalo ng road concreting project sa kaarawan

Mar Rodriguez Sep 17, 2023
173 Views

DY DY DY DYSA NAKALIPAS na kaarawan ni House Deputy Majority Leader at Isabela 6th Dist. Congressman Faustino “Inno” A. Dy V noong September 13. Sa halip na siya ang regaluhan ang mambabatas pa ang nagbigay ng regalo sa kaniyang mga kababayan sa pamamagitan ng inilunsad nitong road concreting project.

Sinabi ni Dy na noong araw ng kaniyang kaarawan ay personal nitong pinuntahan ang road concreting project para sa limang barangay ng Echague, Isabela na pinondohan ng P55 million.

Ayon kay Dy, naisakatuparan ang proyekro sa pamamagitan ng pakikipag-tulungan ng Local Government ng Isabela sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na magbibigay ng malaking tulong hindi lamang aniya sa Poblacion area Echague bagkos sa mga karatig lugar nito.

“Gusto rin magpasalamat sa lahat ng ating mga kababayan na bumati po sa aking kaarawan. Ipinapangko po natin na marami pang proyekto ang ating gagawin na magbibigay ng malaking pakinabang sa inyo,” pahayag ni Dy.

Samantala, muling nananawagan si Dy kay House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez para maisama sa mga priority measures ng Kamara de Representantes ang House Bill No. 8822 o nagbibigay ng limang araw na leave para sa mga empleyado mula sa public at private sector.

Umaasa si Dy na agad na maisasabatas ang naturang panukalang batas na kumikilala sa kahalagahan ng malakas na “family ties” ng mga Pilipino. Kaya napakahalaga na mabigyan ng pagkakataon ang isang miyembro ng pamilya na harapin ang anomang pangangailangan ng kaniyang asawa at mga anak.

Sinabi ng kongersista na sa pamamagitan ng kaniyang panukalang batas. Hindi na aniya kakailanganin pang parusahan o patawan ng multa ang sinomang miyembro ng isang pamilya na hinarap ang problema o krisis sa kaniyang asawa o mga anak tulad ng pagkakasakit, aksidente at iba pang scenario.