Calendar
Dy pinangunahan inagurasyon ng bagong multo-purpose building sa Isabela
š£šš”šš”ššØš”šššš” š»š¶ šš¼ššš² šš²š½ššš š š®š·š¼šæš¶šš šš²š®š±š²šæ š®š ššš®šÆš²š¹š® š²ššµ šš¶šš. šš¼š»š“. šš®šššš¶š»š¼ “šš»š»š¼” š. šš š© š®š»š“ š“š¶š»š®šš®š»š“ š¶š»š®š“ššæš®ššš¼š» š»š“ š¶š½š¶š»š®šš®šš¼ š»š¶šš¼š»š“ mšš¹šš¶-pššæš½š¼šš² bšš¶š¹š±š¶š»š“ š½šæš¼š·š²š°š šš® šš®šæš®š»š“š®š šš¼šŗš²š š¦š®š» ššš¶š±šæš¼, ššš®šÆš²š¹š®.
Ayon kay Dy, patuloy ang pagbibigay nito ng suporta para sa bawat barangay sa kanilang lalawigan sa pamamagitan ng mga proyektong magdudulot ng malaking pakinabang sa kanilang komunidad.
Sabi ni Dy, isa sa mga pagpapatunay ng kaniyang buong suporta para sa mga barangay sa kaniyang istrito ay ang ipinatayo nitong multi-purpose building sa Barangay Gomez sa San Isidro, Isabela na nagkakahalaga ng mahigit P2.6 million.
Pinasalamatan ng kongresista ang Department of Public Works and Highways (DPWH) dahil rin sa suportang ibinigay nito upang maisakatuparan ang kaniyang proyekto kabilang na ang suportang ibinigay ng mga Barangay officials ng Barangay Gomez.
Bilang Deputy Majority Leader sa Kamara de Representantes, ikinagagalak maman ni Du ang pagkaka-apruba ng Kongreso sa mga makabuluhang panukalang batas na malaki ang maitutulong sa mga mamamayang Pilipino.
Ayon pa kay Dy, kabilang sa mga panukalang batas na inaprubahan na o pumasa sa ikatlo at huling pagbasa ay ang House Bill No. 102, 10439 at 10466.