Dy pinuri si Speaker Martin Romualdez dahil sa pag-apruba ng Kamara sa National Building Code

Mar Rodriguez Aug 12, 2023
177 Views

PINAPURIHAN ni House Majority Leader at Isabela 6th Dist. Congressman Faustino “Inno” A. Dy V si House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez dahil sa pagkakapasa at pag-apruba ng Kamara de Representantes sa House Bill No. 8500 na kilala bilang National Building Code.

Dahil dito, sinabi ni Dy, isa sa mga principal authors ng panukalang batas, na malaki ang maitutulong ng bagong batas o ang National Building Code para mabigyan ng kaukulang proteksiyon ang publiko laban sa mga natural disaster o calamities katulad ng napipintong climate change at mga malalakas na bagyong sumasalanta sa bansa.

Bukod dito, ipinaliwanag pa ni Dy na mapo-proteksiyunan din ng bagong National Building Code ang publiko laban naman sa tinatawag na “multiple hazards” kagaya ng sunog, weather disturbances, earthquake o lindol at iba pang kahalintulad nito bunsod ng gagawing pagpapatibay sa mga building at mga ipatatayong estraktura.

Ayon kay Dy, luma o obsolete na ang kasalukuyang umiiral na building code na nakapaloob sa Presidential Decree (PD) No. 1096 na isinabatas noong February 19, 1977 sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos, Sr. o makalipas ang 46 years mula ng ipatupad ang nasabing batas.

Sinabi ni Dy na kinakailangan na talagang magkaroon ng upgrading sa nasabing batas dala ng narin ng makabagong panahon dulot ng mga building standards, technologies, risk reduction at management na nangyari sa mga nagdaang taon. Kung kaya’t timing na timing aniya ang pagkakapasa dito ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Nabatid pa sa Isabela solon na kabilang sa mga mahalagang probisyon ng New Building Code ay ang pagkakaroon ng bagong “classification system” para mapadali ang proseso ng pagkuha ng building permit.

Habang mga disenyo ng mga gusali ay dapat maging matatag laban sa mga sakuna kabilang na nga dito ang multiple hazards gamit ang mga teknolohiya para mas maging “efficient” ang supply ng kuryente at tubig.