Econg bagong presiding justice ng Sandiganbayan

Chona Yu Jan 9, 2025
15 Views

NAGTALAGA si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng bagong Presiding Justice ng Sandiganbayan.

Ito’y sa katauhan ni Justice Geraldine Faith Econg na isa ring mahistrado at pinuno ng Second Division ng anti-graft court mula pa noong January 20, 2016.

Batay sa isang pahinang appointment paper na pirmado ni Pangulong Marcos at may petsang January 7,2025, ipinagkakatiwala ng Punong Ehekutibo kay Econg ang pinakamataas na posisyon sa Sandigan.

Papalitan naman ni Econg si Justice Amparo Cabotaje-Tang na nagretiro noon pang November 2024.