Sen. Robinhood "Robin" C. Padilla

Economic Cha-cha  kailangan — Robin

112 Views

CHARTER Change is already a must for our country. Lugmok na po ang ating kalagayan sa Asya at ito lamang ang paraan para tayo makausad,”

Ito ang mariing paliwanag ni Sen. Robinhood “Robin” Padilla kung saan ay sinabi nitong tama lamang na ang unang hakbang para baguhin ang Konstitusyon sa pamamagitan ng paggalaw sa kasalukuyan economic provisions ng Saligang Batas para matugunan nito ang mga pangangailangan ng kasalukuyang panahon.

“Para tayong nasa bapor na dahil sa kalumaan, hindi na maka abante. Wala na itong andaran. Natural lamang po na mag isip tayo kung paano aandar at uusad lamang tayo kung aayusin natin ito at itutugma natin sa kasalukuyan panahon,” ani Padilla.

Sa kanyang Resolution of Both Houses No. 5, iminungkahi ni Padilla na ipatupad ang mga pagbabagong ito sa pamamagitan ng constitutional convention kung makakahanap aniya sila ng paraan para hindi ito maisagawa na maging masyadong masakit para sa bulsa ng ating pamahalaan.

“Pag-aaralan po namin kung paano gagawin ito na hindi masyadong mahal ang ating gagastusin kung saan posiblen limitahan natin ang mga delegate na isasama para maisakatuparan natin ang pagbabago na ito,” dagdag ni Padilla.

Sa kanyang Resolution of Both Houses No. 5, iminungkahi ni Padilla ang mga sumusunod na pagbabago:

Na ang Senado ay magkakaroon ng 54 na miyembro–24 ay mahahalal bilang elected at large at 30 naman ay mahahalal sa ilalim ng legislative region;

“That senators elected at large shall have terms of 8 years but shall not serve for more than two consecutive terms; senators elected by region shallhave terms of four years, but shall not serve for more than three consecutive terms.”

Samantalang ang mga Kongresista sa Mababang Kapulungan ay mahahalal ng 4 na taun at mayroon 3 beses na pagkakataun para umulit ito sa pagtakbo.

“For members of the House of Representatives, they shall be elected for a term of four years, and shall not serve more than three consecutive terms.”

Sa mga lokal na pamahalaan naman ay bibigyan din aniya sila ng apat na taon panahon para makapagsilbi ngunit hindi hihigit sa 3 beses na ulit lamang.

“The terms of office of elective local officials except barangay officials shall be four years and they shall not serve more than three consecutive years.”

Samantalang ang Pangulo at pangalang Pangulo ay maihahalal ng panabay sa loob ng apat na taun na pagsisilbi na hindi hihigit sa dalawang termino.

“While the President and Vice President shall be elected as joint candidates by direct vote of the people for a term of four years and shall not be elected more than two terms.”

“Kailangan po ng leadership stability at democratic continuity at ito ang magbibigay sa lahat ng adequate time na magawa ang kanilang mga adhikain at trabaho para sa ating bayan.” paliwanag ni Padilla.

Ayon pa sa dating aktor na naging senador, masyadong mahigpit ang mga probisyon ng Saligang Batas sa ekonomiya. Dahil dito, napag-iwanan na tayo ng ating mga karatig bansa sa Association of Southeast Asian Nations sa kabila ng mga insentibo tulad ng tax holidays.

Dagdag nito, bagama’t may mga naratipika nang international trade and investment liberalization treaties ang Pilipinas, hindi pa rin makagalaw ang foreign investors dahil sa paghihigpit ng Saligang Batas sa pag-explore at pag-develop ng natural resources; pagmamay-ari ng pribadong lupa, public utilities at educational institutions ng mga dayuhan; at pagmamay-ari ng dayuhan ng mass media at advertising.

“These economic provisions are perceived to be barriers to trade and investment responsible for the continuous decline of foreign direct investments, and placed the country as one of the most restrictive economies by international standards,” ayon sa mambabatas.

Hindi aniya makatuwiran na magtiis na lamang tayo sa kasalukuyan batas na wala na sa tamang tono.

” Tinitingnan namin ang option din ng Constitutional Convention na hindi masyadong magastos. Kailangan na kasi talaga ng bansa natin na gumalaw at makausad. Kailangan natin makaakit ng mga investors sa ating bansa. Ang kasalukuyan Saligang Batas ay hindi na akma sa kasalukuyan at lubhang nagpapahirap ito kesa makatulong dahil sa dami ng restriksyon na iniiwasan ng mga investors,” ani Padilla.

Si Padilla na siyang chairman ng Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes ay naghalintulad din sa isang bapor kung saan nakasakay ang mga Pilipino na walang magawa dahil hindi na nga ito gumagalaw at nakalugmok na lamang sa isang lugar habang patuloy ang andar sa kaunlaran ng ating mga kapitbahay sa Asya.

“Dapat po kasi maging makatotohanan tayo. Dapat ayusin natin ang ating bapor kung nais natin na makausad sa ating kinalalagyan sa kasalukuyan,” ani Padilla.

Ipinangako din niya na magkakaroon ng mga konsultasyon sa ibat ibang bahagi ng bansa ang kaniyang komite upang pakinggan ang ibat ibang suhestiyon ng ating mamamayan.

“We should inform the people. Kung ano ba talaga ang totoong motibo natin kung bakit natin dapat palitan ang kasalukuyan Saligang batas. Aaminin ko po sa inyo na marami sa ating mga lokal na public servant ang nagsasabing kulang na kulang talaga ang 3 taun na pagsisilbi. Unang taun ng pagsisilbi ay honeymoon period kung saan naninimbang at nag aaral pa sila. Ikalawang taun, magsisimula ka na ng mga dapat mong gawin base sa nakita mong mga kailangan. At ikatlong taun, tapos na ang serbisyo mo at halalan na naman. Kaya ang iba nga sa kanila ay gusto pang gawin limang (5) taun dahil sa aking mungkahi ay apat lamang. Kulang talaga para sa isang mabuting serbisyo publiko ang ganitong kaikli na panahon nang pagbibigay serbisyo,” giit ni Padilla.