Eddie Eddie Gutierrez kasama ang misis na si Annabelle Rama, Pops Fernandez, Assunta de Rossi at iba pang guests sa birthday party ng PR manager/entertainment editor Jun Lalin

Eddie Gutierrez malakas at healthy sa edad na 82

Eugene Asis May 12, 2024
53 Views

NAKAKABILIB ang aktor na si Eddie Gutierrez.

At 82, he looks strong and healthy, hale and ready for work. Pero mas minabuti niyang i-enjoy na lang ang buhay sa piling ng kanyang pamilya, lalo na sa misis na si Annabelle Rama. Kung tutuusin, he’s such an accomplished man, having six children (Ruffa, Richard and Raymond, Richie Paul, Rocky and Elvis from Annabelle), at dalawa mula sa mga naunang babae sa kanyang buhay (Tonton from actress Liza Lorena and Ramon Christopher from actress-singer Pilita Corrales), and quite a number (10?) of grandchildren.

Nakausap namin ang Elvis Presley ng Pilipinas sa birthday party ng PR manager ng pamilya na si Jun Lalin sa Manila Polo Club at kahit maikli ang aming pag-uusap, masaya ang aming muling pagkikita pagkatapos ng maraming taon.

Totoong nagpahinga muna siya sa paggawa ng mga project, sa TV man o sa pelikula, dahil na rin sa pag-iingat. Sabi namin, sa dami ng kanyang mga nagawang palabas, kung ang pagpapahinga ang sinasabi ng kanyang katawan, mas mainam na sundin niya ito.

Ani Tita Annabelle, mula nang mangyari sa beterano, mahusay at de kalibreng aktor na si Eddie Garcia ang aksidente sa set, naiba ang pananaw nila sa salitang trabaho. Bagama’t mahal talaga ni Tito Eddie ang pag-arte (kung saan nabigyan na rin siya ng mga parangal bilang Best Supporting at Best Actor ng iba’t ibang award giving bodies), kailangang bigyan din niya ng pagpapahalaga ang gusto ng kanyang mahal na asawa na ilaan na lamang ang buhay sa masasayang sandali kapiling ang mga anak at mga apo.

“Sana nga, tulad tayo sa Hollywood,” sabi ni Tito Eddie. “Ang mga artista roon, may royalty sa mga ginagawa nila. Parang security na rin ‘yan sa mga artistang nagpasaya ng maraming taon sa publiko.”

Kung naging pulitiko (congressman?) lang siguro si Tito Eddie, siguradong isa ito sa mga batas na isusulong niya.

Pero kuntento naman si Tito Eddie. Wala nang dapat patunayan. Maayos na rin ang katayuan ng kanyang mga anak, at mga apo (tulad ni Janine Gutierrez) na patuloy na nagtatagumpay sa larangang kanyang sinimulan.