Sandro Sandro Muhlach

Sandro, Ataska nagtagal ng isang taon

Aster A Amoyo May 12, 2024
47 Views
Ataska
Ataska Mercado

SUMALANG ang Kapuso actor na si Sandro Muhlach sa “Expecially For You” ng It’s Showtime noong May 10, kasama ang kanyang ex-girlfriend, ang Vivamax star na si Ataska Mercado.

Ang actress-singer ang nagsilbing searcher sa naturang segment ng noontime variety show.

Sa pagsalang ng ex-couple sa “Expecially For You” ay napag-usapan kung paano nagsimula ang kanilang love story at kung paano ito nauwi sa hiwalayan. Ayon kay Sandro, nagtagal ang kanilang relasyon ng mahigit isang taon.

Kuwento naman ni Ataska, siya ang nakipaghiwalay kay Sandro dahil sinundan niya ang payo ng kanyang mga magulang.

“For a while, pinayagan po kami and then na-realize rin ng parents ko na baka masyado kaming bata and hindi pa kami mature enough to be in a relationship,” aniya.

Ayon kay Sandro, na-heartbroken siya nang makipaghiwalay ang kanyang dating nobya noon.

“First love ko po kasi siya, so syempre, masakit po sa akin. Isa pa po kasing reason bakit po kami nag-break kasi sinuportahan ko pa po siya sa movie niya. Nagkaroon siya ng movie with Viva, ýung Miss Granny. Sobrang proud ako of her.

“‘Tapos, parang ilang days na, na-realize niya na gusto niyang mag-focus on her career, sa pag-aartista. And ayun nga, immaturity din for us kasi masyado po kaming bata so syempre na-hurt po ako,” kuwento niya.

Inilahad din ni Ataska na masakit para sa kanya na hiwalayan noon si Sandro dahil first love niya ito.

Matapos ito ay ipinakilala ang tatlong searchees para kay Ataska at sa huli ang nag-match sa aktres ay si Aaron.

Boobay buhay na buhay

Boobay
Boobay

INILAHAD ng komedyanteng si Boobay na bumuti na ang kaniyang pakiramdam matapos siyang ma-out of balance sa entablado at nagtatanghal sa isang town fiesta sa Aparri, Cagayan nitong Martes.

“Si Boobay po ito. Gusto ko lang pong iparating sa inyong lahat na ako po’y okay na okay at nais ko lamang pong pasalamatan ang ating mga minamahal na mga Kapuso, kamag-anak, mga kaibigan na nag-alala. Don’t worry dahil here I am. Boobay, buhay na buhay and ready to fight,” saad ni Boobay sa isang video sa Facebook page ng “The Boobay and Tekla Show.”

“Ayun nga po, tayo ay hinimatay dahil lamang po sa malakas na ilaw po. Pero ‘wag kayong mag-alala dahil after po noon ay naituloy pa rin namin at napasaya pa rin po namin ang ating mga minamahal na mga kababayan at Kapuso sa Aparri,” pagpapatuloy ng Kapuso comedian.

Sa livestream ng pagdiriwang sa Facebook page ni Vice Mayor Rene Chan, mapapanood na kasamang nagtatanghal ni Boobay ang kapwa komedyante na si Pepita Curtis nang mangyari ang insidente.

Biglang napahinto sa pagkanta si Boobay habang nakatutok ang camera kay Pepita. Ilang saglit lang, tumumba na si Boobay kaya agad siyang pinuntahan nina Pepita at iba pang staff.

Bumuti rin agad ang pakiramdam ni Boobay, at bumalik sa entablado at ipinagpatuloy ang kaniyang performance kasama si Pepita.

Sinabi ni Boobay na nakararanas pa rin siya ng mga epekto ng kaniyang stroke noong 2016. Gumaling siya pagkaraan ng dalawang buwan at bumalik sa trabaho.

“After noon maaaring mag-hang ako. The best thing that you have to do is to, mag-stop ka lang at hayaan mong bumalik sa dati ang ikot mo,” sabi ni Boobay sa paliwanag ng doktor.

Bagaman pinapayuhan siya ng doktor na magpahinga, sinabi ni Boobay na ang pagtanggap niya ng trabaho ang “best way ko para magpahinga.”

Manang Bola pumanaw na

Manang
Priscila Nalundasan aka Manang Bola

PUMANAW na sa edad 60 ang kilalang voice artist na si Priscila Rose Nalundasan, na siyang nagbigay-buhay sa karakter na si Manang Bola sa sikat na 1980s children’s show na “Batibot.”

Ito ang kumpirmasyon ng kanyang anak na si Jaymar Nalundasan, na nagbahagi ng isang video ng tila sulyap sa “huling boses” ni Manang Bola.

Ayon sa post, sinabi ni Jaymar na nahihirapan nang magbasa ang kaniyang ina dahil apektado ng diabetes ang mga mata nito.

“Isang paghanga at pamamaalam. Mahal naming nanay,” saad ni Jaymar.

Kinumpirma rin ni Bodjie Pascua, co-star ni Priscila at kilala bilang si “Kuya Bodjie,” ang pagpanaw nito.

“Heartbroken to find out that Priscila Rose Nalundasan, our dearest Manang Bola, passed away this morning. Love you, dear friend. Sobra kitang mami-miss Rose. Rest in peace,” caption niya.

Kilala si Manang Bola sa kaniyang linya na “Perlas na bilog, wag kang tutulog-tulog, sabihin sa akin ang sagot. Ba-be-bi-bo-bu.”

Ilan pa sa kanyang mga naging proyekto ang short film na Tuksó (2010) at Day Zero (2022).

Nag-guest din si Priscila sa ‘Family Feud’ ni Dingdong Dantes noong nakaraang taon kasama sina Bodjie, Adriana Agcaoili at Soliman Cruz.