Ellen3

Ellen inamin na dumaan sa ‘hubadera era’

Eugene Asis Jan 19, 2026
218 Views

EllenEllen1Ellen2UMAMIN si Ellen Adarna na nagpaseksi siya noong bata pa siya’t nagsisimula sa showbiz.

Tinawag niya ang taong 2016 bilang kanyang “hubadera era.”

Katunayan, ipinost pa niya sa Instagram ang seksing larawan niya noong 2016, kasama ang isang black-and-white shot sa isang beach kung saan siyang nagpakuhang topless pero nakatalikod sa camera.

Inamin niyang mas malaya pa siya noon at walang pakialam sa mundo.

Ayon sa kanyang post, “I was young, wild and free. No responsibilities era.”

May hashtags itong “noRAGRETS” and “yolo.”

Para kay Ellen, career move ‘yun. Napanood siya sa mga series ng ABS-CBN nas Pasión de Amor, Greatest Love, at Langit Lupa. Noong taon ding yun niya ghinawa ang ‘Home Sweetie Home’ sa GMA7 na pinangungunahan nina Toni Gonzaga at John Lloyd Cruz. Doon din nag-umpisa ang love affair nila ng aktor.

Nang sumunod na taon, nagkaroon ng anak sina Ellen at John Lloyd at kapuwa umalis sa show para gampanan ang kanilang tungkulin bilang mga magulang ni Elias.

Naging positibo naman ang fans ni Ellen sa mga naturang seksing larawan. “10 years na yon? Walang pinagbago sa face at katawan madam.”

Ayon pa sa isa, “Soo gorgeous [fire emoji.”

Sobrang paghanga naman ang ipinahatid ng isang fan: “This is your era na naging body goals ko ang body mo poo!! I remember i put your pic in 2piece sa wallpaper ng phone ko as a reminder na may tinatarget akong body haha para everytime na naffeel kong kumain, mapapawater na lang ako kasi di naman pala ako gutom! Bored lang! Haha anyways, im now fit! Thanks to you! You’re still my body goals!”