Heart1 Heart Evangelista

Heart handa na sa new rampa pasabok

Ian F Fariñas Jan 17, 2026
238 Views

New Year, new rampa pasabog ang inaabangan ng marami mula kay Heart Evangelista.

Handang-handa na nga raw ang style icon sa kanyang naka-line-up na activities ngayong 2026.

Tulad ng marami, balik-trabaho na si Heart, na isa ring artist, entrepreneur at philanthropist, matapos ang 2025 Christmas break.

Obvious na excited na ang iba’t ibang brands sa upcoming endorsements niya, pati na rin ang mga photographer sa fashion and lifestyle events this year.

Siyempre, mas excited ang fans at followers ni Heart, na hindi nagsasawang magbigay ng mga papuri sa idolo.

Sey ng isa, “Kahit anong isuot, bagay na bagay talaga.”

“Good luck sa mga projects mo this 2026 and I hope mas marami ka pang ma-inspire,” saad naman ng isa pa.

Ilan lamang ‘yan sa mga komento ng netizens sa recent Instagram (IG) post ni Heart na nilagyan niya ng caption na, “Back to work.”

Matatandaan na nagpahayag din ng excitement ang kilalang French photographer/videographer na si Edward Berthelot para sa pagbabalik ng global fashion icon sa mga style event tulad ng Paris Fashion Week (PFW).

“There is a reason you are still standing. Love Marie, get up and come back in January. We will wait for you! See you next season!” ani Berthelot, na kilala sa pag-capture ng “street style” sa major fashion events.

May mga obserbasyon na iba talaga ang energy at atmosphere ‘pag present si Heart sa fashion week sa Europe.

Nitong mga nakaraang taon, laging wagi ang pagrampa ng aktres sa mga fashion week na dati ay hindi bukas sa Filipino at iba pang Asian artists/celebrities.

Base sa pag-aaral ng Favikon, nasa Top 8 si Heart sa “Top 20 Instagram Influencers in the Philippines in 2026” base sa reach, growth at engagement.

Ayon naman sa infludata. com, nasa Rank 1 ito ng “Top 20 from Manila on Instagram Influencers by Follower Growth.”

“Discover the most influential creators in Manila with our comprehensive ranking of the top 20 influencers on Instagram. This data‑driven analysis identifies the content creators who are shaping conversations, driving trends, and commanding the highest engagement rates in 2026,” anang influData.

“Back to work vibe: recharged, focused, and ready to slay,” sabi naman ng isang social media user sa IG post ni Heart.

At dahil ang animal sign pala ng aktres ay Ox, maganda ang forecast para sa kanya ngayong Year of the Horse.

Ang mga tao raw na ipinanganak sa Year of the Ox ay consistent na masipag at may matinding sense of responsibility.

Meron silang kakayahang magkaroon ng matinding lakas ng loob kapag oras na para umasenso at malampasan ang anumang kahirapan.

Sila ay matatalino at maaasahan din, pero hindi nanghihingi ng papuri.

Bilang matatatag at mga maparaan, walang lugar sa bokabularyo nila ang salitang pagsuko — na saktong-sakto nga naman sa karakter ni Heart.