Calendar
Larawan: Jillian Ward/FB
‘Soft launch’ ni Jillian Ward
Umani ng instant ingay online si Jillian Ward matapos niyang mag-upload ng TikTok video na may simpleng caption na, “First tiktok for 2026.” Sa paggamit niya ng viral na “Big Guy” trend, agad na napalingon ang netizens—hindi lang sa sayaw, kundi sa mas malalim na detalye sa likod ng eksena.
Sa naturang video, mapapansing may isang lalaking nakatago sa likuran ni Jillian. Walang mukha, walang pangalan, at walang kahit anong clue—pero sapat na iyon para umusbong ang hinalang soft launch ito ng kanyang “partner.”
Hindi rin nagpahuli ang comment section sa katuwaan. May mga pabirong nagsabing nagseselos na raw si Eman Pacquiao, habang ang ilan namang fans ay game na game sa biro na sila raw ang misteryosong kasama ng aktres sa video.
Sa kabila ng lahat ng usisa at kilig, nanatiling tahimik si Jillian. Isang TikTok lang, pero sapat na para guluhin ang internet.

