BBM1

Envoy ng Spain, Morocco, Germany bumisita kay PBBM

192 Views

NAG-COURTESY visit kay President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang ambassadors ng Spain, Morocco, at Germany ngayong Martes.

Pumunta sina Jorge Moragas, Ambassador ng Spain, Ambassador Mohammed Rida El Fassi ng Morocco, at German Ambassador Anke Reiffenstuel sa BBM Headquarters sa Mandaluyong City.

Kasama umano sa napag-usapan umano ng mga ambassador at ni Marcos ang mga isyu ng food security, climate change, at renewable energy.

Sa isang press briefing, sinabi ni Ambassador Reiffenstuel na napag-usapan ang pagpapalakas ng kooperasyon ng Pilipinas at Germany.

Napag-usapan din umano ang nina Reiffenstuel at Marcos ang isyu ng renewable energy upang mapababa ang presyo ng kuryente sa bansa.

“Renewable energies of course are of great importance to us, to Germany, and we exchanged about the experiences and the commitment and the distributions and the shares of renewable energies in our two countries’ power protections,” sabi ni Reiffenstuel.

Ayon kay Reiffenstuel nabanggit ni Marcos ang wind farm sa Ilocos Norte at nagkasundo ang dalawa na palalihim ang pag-uusap dito.

Noong Lunes ay dumalaw naman kay Marcos ang ambassador ng Italy at nga mga bansa sa ASEAN.