Chiz

Escudero tutol sa bagong pagtataas ng buwis

315 Views

TAHASAN tinutulan ni Sen. Francis Chiz Escudero kahapon ang plano ng Department of Finance (DOF) sa panibagong pagtataas ng buwis upang makalikon ng pera ang gobyerno.

Ayon ka Escudero, ang ganitong uri ng pagtataas ay magdudulot ng mas malalim na problema sa mga mamamayan lalo pa aniya at maraming Pilipino ang dumadanas ng hirap sa kasalukuyan sa gitna ng pandemya at pagtaas ng petrolyo na lubhang nakaapekto sa kasalukuyang ekonomiya ng bansa.

Para kay Escudero, nararapat lamang aniya na maging sensitibo ang pamahalaan sa hirap na kinakaharap ng karamihan at ang walang tigil na pagtaas ng mga pangunahin bilihin sa merkado pati na rin ang elektrisidad.

“It is always easier to go for imposing new or increasing whatever existing taxes in order to raise revenues for the government. However, this is burdensome and is not in keeping with the times. There is slow economic growth, increased unemployment, and rising inflation,” ani Escudero.

Ipinaliwanag ni Escudero na mas makatutulong pa aniya na pag igihin ng Bureau of Internal Revenue ang pagkolekta ng mga taxes at alamin kung ano dapat na stratehiya ang gamitin upang maiayos ang koleksyon ng BIR gayundin ng Bureau of Customs (BOC).

“I think the first order of business for the new Finance Secretary is to plug the loopholes, clean up and make a collection of existing taxes and duties by the BIR and the BOC. With nearly P200 billion in uncollected taxes lost to either corruption or inefficiency, this is by far more than any projected revenue of the new taxes he is mulling,” giit ni Escudero.

“Hindi pa nga lubusang nakakatayo ang ating mga kababayan, ibabaon na naman ba natin sila sa mga bagong bayarin? Sana ay huwag na nating dagdagan pa ang hirap na kanilang dinaranas,” dagdag pa nito.

Ang naging reaksyon ni Escudero ay matapos maghayag ng si Secretary Diokno na bigyan ng kaukulang dagdag ang apps tulad Netflix, mga online purchases at marami pang kahalintulad nito na para sa Senadora ay hindi akma sa panahon.

Matatandaan na nagbigay pahayag si Diokno na maraming bagay ang dapat habulin ng gobyerno kagaya na rin ng pagbabayad sa multimillion-dollar loans at mga recovery na programang gagawin na tulong ng gobyerno.

“There are ways to free up fiscal space for debt payments, instead of immediately looking at new taxes. PPP is the way to go. For the long term, the government should exert more effort into eliminating corruption,” ani Escudero.