Martin Nakipag-meeting si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa mga kinatawan ng EU-ASEAN Business Council delegation na pinangunahan nina Jens Ruebbert (3rd kanan), Managing Director & Regional Head Asia /Pacific for Landesbank Baden-Wurttemberg (LBBW) and Vice Chairman of EU-ABC; Dom Lavigne (kanan), Yara International Director of Public Affairs and Corporate Communications-Africa and Asia; Diana Edralin (2nd kanan), General Manager, Roche Philippines; Noel Clehane (4th kanan), Global Head of Regulatory & Public Policy for BDO and Board Member of EU-ABC; Charlie Simpson (5th kanan), Airbus Chief Representative to the Philippines (5th kanan) at Cyrus Isles of Bayer. Kasama ni Speaker Romualdez sina (mula kaliwa) Navotas Rep. Toby Tiangco, Camiguin Rep. Jurdin Jesus “JJ” Romualdo, Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales, Jr., Surigao Del Sur Rep. Johnny Pimentel, Pangasinan Rep. Rachel Arenas, at Majority Leader Manuel Jose “Mannix” Dalipe. Kuha ni VER NOVENO

EU delegation kay Speaker Romualdez: PH pinakamagandang investment destination sa mundo

221 Views

ANG Pilipinas umano ang pinakamagandang destinasyon ng pamumuhunan sa mundo.

Ito ang sinabi ng delegasyon ng European Union-ASEAN Business Council (EU-ABC), na binubuo ng mga kinatawan mula sa 36 na European multinational company nang makipagpulong kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez at ilang kongresista.

Sa naturang pagpupulong, nagpahayag ng interes ang mga delegado na palawigin ang operasyon ng mga kompanyang nakabase sa EU sa Pilipinas dahil sa magandang ipinapakita ng ekonomiya nito.

Sinabi naman ni Speaker Romualdez na suportado ng Kongreso ang mga polisiya ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.

“We’re here to see how can help. We would like to support, we would like to assist. We’d like to be aware of the challenges so we could address them together,” sabi ni Speaker Romualdez.

Sinabi ni Noel Clehane, Global Head ng Regulatory & Public Policy para sa BDO at Board Member ng EU-ABC, kay Speaker Romualdez na itinutulak ng kanilang grupo sa EU na mabigyan ang Pilipinas ng free trade agreement.

“We have been highlighting to them that this region (ASEAN), particularly the Philippines, is the most attractive in the world for European businesses,” sabi ni Clehane.

Kinilala rin ng pinuno ng delegasyon na si Jens Ruebbert (Managing Director at Regional Head Asia/Pacific for Landesbank Baden-Wurttemberg at Vice Chairman ng EU-ABC) ang magandang ipinapakita ng ekonomiya ng Pilipinas.

Nakapagtala ang bansa ng 7.2 porsyentong paglago ng Gross Domestic Product (GDP) noong huling quarter ng 2022 at ang resulta ay 7.6 porsyentong paglago sa buong taon ng 2022. Sa unang quarter ng taon ay 6.4 porsyento ang iniangat ng GDP.

“That’s extremely well recognized in the business world,” punto pa ni Ruebbert.

Ang inflation rate umano ng Pilipinas ay bumababa na at ang halaga ng piso ay stable kumpara sa ibang currency.

“Probably the highest hike in the region has helped you to sustain and get things under control. So big congratulations for the economic situation, which is I think the basis for motivating European Union and other foreign companies to further invest and further extend trade with the Philippines,” dagdag pa nito.

Sa pakikipagpulong kay Bangko Sentral ng Pilipinas Gov. Felipe Medialla noong Lunes, sinabi ni Ruebbert na naipakita sa kanila ang magandang direksyon ng ekonomiya.

“Forty percent of the world supply chain pass through your territorial waters or at least close to it. So the geopolitical reasons for doing it (EU-PH free trade agreement) are significant; the economic reason are compelling,” dagdag pa ni Ruebbert.

Kasama rin sa EU-ABC group na nakipagpulong kay Speaker Romualdez sina Diana Edralin, General Manager ng Roche Philippines; Dom Lavigne ng Yara International Director ng Public Affairs and Corporate Communications ng Africa & Asia; Charlie Simpson, Airbus Chief Representative to the Philippines; at Cyrus Isles ng Bayer.

Ang pagbisita ng delegado ng EU-ABC ay kasunod ng naging pakikipagpulong ni Pangulong Marcos sa mga negosyante sa Brussels noong Disyembre.