Cathedral

Exhibition ng mga papal visits sa bansa bubuksan sa Manila Cathedral

183 Views

ISANG exhibit na nagpapakita ng mga naging pagbisita ng mga Santo Papa ang bubuksan sa Manila Cathedral.

Ang exhibit na may titulong “The Popes in the Philippines” ay bubuksan sa publiko mula alas-5:30 ng hapon sa Hunyo 29 at magtatagal hanggang Hulyo 2.

“On Thursday, June 29, we will celebrate the Solemnity of Sts. Peter and Paul. As we pray and pledge our loyalty to our Holy Father, Francis, we wish to make the memory of our popes with the Filipinos close and alive,” sabi ng anunsyong inilabas ng Manila Cathedral.

Sina Saint Peter at Saint Paul at itinuturing na “two pillars of the Church.”

Makikita umano sa exhibit ang portrait na ibinigay ni St. Paul VI kay Apostolic Nunciature, ang upuan na ginamit ni St. John Paul II, ang Missal na ginamit ni Pope Francis at marami pang iba.

Sina Manila Archbishop Cardinal Jose Advincula at Papal Nuncio Archbishop Charles Brown ang mangunguna sa pagbubukas ng exhibit na susundan ng isang misa.