Fake news vs BBM ikinakalat

Nelo Javier Mar 24, 2022
309 Views

NAUUBUSAN na umano ng mga isyung puedeng ipukol ang kampo ni Leni Robredo laban kay presidential frontrunner na si Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., dahil ang mga artista at personalidad na sumusuporta sa LeniNPA ay nagpapakalat na rin umano at pumapatol na sa fake news.

“Desperate time calls for desperate measure,” ayon sa isang political observer patungkol sa kampo ni Robredo.

Si Raissa Robles na kilalang taga-suporta ni Robredo ay ipinagpilitan sa kanyang Twitter post na ang mga larawan na ipinalabas ng kampo ni BBM ukol sa kanilang campaign rally sa Cavite ay kinuha lamang daw sa isang event sa Indonesia.

“Bongbong Marcos stole this photo of a bikers gathering in Indonesia and posted it as one of his recent rallies,” ayon sa tweet ni Robles.

Pero agad din naman siya binalikan ng mga netizen na fake news ang sinasabi niya dahil mismong mga kilalang media institutions ay nagkumpirma na tama ang larawan na ipinalabas ng kampo ni BBM.

“Hi Raissa. As a kakampink, I want to correct the circulating info. The photos they released are frames to portray high crowd volumes but they are legitimate. None was stolen from Indonesia event. That one is really in Gen Tri (Gen. Trias, Cavite),” ayon kay @danofsteel na kapwa Leni supporter ni Robles.

“Stop spreading fake news,” tugon naman ng isang netizen na nagpakilalang si Harvey Niere.

Maging ang isang komedyante at kilalang talent manager na si Ogie Diaz, kumalat din sa social media ay nagkomento umano sa mismong rally ni Robredo kamakailan.

“Sa Pilipinas lang ang labanan hindi sa Indonesia,” ayon kay Diaz sa harapan ng mga supporter ni Robredo.

Pero agad din siyang sinita ng netizen at sinabing fake news ang kanyang sinabi.

Pero ayon sa political insider, ang mas ipinagtataka nila ay tila walang plano ang ilang media, tulad ng Rappler na self-proclaimed “fact-checker” na itama at i-correct ang pahayag ng mga artista at kilalang personalidad na supporter ni Robredo.

“Dapat kapag fact-checker ka wala kang pinipili. Lalo tuloy nahahalata na may kinakampihan sila,” ayon sa source.

Ipinagpipilitwn din na 70,000 ang dumalo sa rally ni Leni sa Bacolod sa Paglaum Arena na kaya lang mag-accommodate ng 15,000.

“Sobrang halata naman ang mga mainstream media na iyan na may kinakampihan at kinikilingan kaya tuloy wala ng naniniwala sa mga ibinabalita nila dahil sila na mismo ang source ng fake news,” sabi naman ni Roger Sandoval na taga-Makati.