Kim

Fans ni Kim magagalit kay Xian

Vinia Vivar Jun 14, 2024
101 Views

For sure ay magagalit na naman kay Xian Lim ang fans ni Kim Chiu dahil sa mga bagong pahayag ng aktor sa guesting niya sa show ni Boy Abunda recently.

Sa simula ay tinanong ni Kuya Boy si Xian kung friends ba sila ni Kim.

Sagot ng aktor, “Of course, yes.”

Pina-describe sa kanya kung anong kind of friendship meron sila, ani Xi, “To be completely honest, ever since we went our separate ways, hindi pa po kami nakakapag-usap.”

Pero nang gabi raw na maghiwalay sila ay naging maayos ang kanilang pag-uusap.

“When that night happened, maayos ‘yung pag-uusap namin. Of course, mayroong iyakan but there was an assurance na… we went through 12 years, ‘di ba? Twelve years of our existence, so, it has that respect, you know?”

Kasunod nito ay nilinaw ni Kuya Boy kay Xian kung mutual decision ba ang kanilang paghihiwalay and the actor revealed na hindi siya ang nag-initiate ng break-up.

“We released our statement na we both decided to part ways. To be completely honest, I wasn’t the one who engaged in the separation,” aniya.

Saad pa ng aktor, “I wasn’t the one who initiated the breakup.”

Naiintindihan naman daw niya kung nagagalit man ang kanilang supporters sa nangyari pero masakit din para sa kanila ang breakup.

“They’re watching it from a distance. ‘Eto kaming dalawa, you know, and we have our talks. Nag-usap kami privately, hindi na kailangang himayin kung sino ang nagkulang. I think, the length of it speaks for itself,” pahayag ng aktor.

Idiniin din ni Xian na malinis ang record niya sa loob ng panahong magkarelasyon sila ni Kim.

“’Yung mga pambabatikos sa ‘kin ng karamihan, I think, they should just look at it from a lens na for more than a decade, I never had any… my record is clean and I’m proud of that. You’re not gonna see me in places you’re not supposed to see me. So, ‘yun lang siya. The time speaks for itself,” aniya.

Naiintindihan din daw niya kung bakit iniisip ng mga tao na kaya siya nagsasalita ngayon ay para sa promo ng pelikula niya.

“It’s just a very delicate thing and I do understand why people are upset but we are okay,” he said.