Ian

Ian ipinagtanggol ang anak na tibo

Vinia Vivar Jun 14, 2024
36 Views

Minsan pa ay ipinakita ni Ian Veneracion ang all-out support para sa lesbian daughter na si Deirdre Veneracion.

Sa Instagram ay ipinost ni Ian ang larawan ng anak bilang parte ng cover ng isang glossy magazine ngayong Hunyo.

Sa caption ay ipinagtanggol niya ang anak sa mga basher at inihayag kung gaano siya ka-proud bilang ama.

“Seriously, let’s all just cut the bullsh*t. People should be honored and respected for their compassion, courage, and integrity — not for the choices they make in the privacy of their bedrooms,” pahayag ni Ian.

“Proud of my daughter for embodying these values. Who she loves is her business. — Proud Daddy,” saad pa niya.

Matatandaang sa panayam ng mag-ama sa Magandang Buhay noong 2020 ay inamin nila ang tungkol dito at ikinuwento ng aktor na nag-come out sa kanya si Deirdre noong 16 years old pa lang ito.

Kwento ni Ian, “Dumating siya, medyo teary-eyed, sabi niya, ‘Daddy, I’ll tell you something.’ Sabi ko, ‘What? Sit down.’ Sabi niya, ‘I like girls.’ Sabi ko sa kanya, ‘Me also, I like girls.’

Dagdag pa niya, “Tapos nagtataka siya. ‘It’s okay?’ ‘Yes. Just don’t ever be apologetic about it, not even to me. You can be whoever you want to be. And I have full support.’”

Ayon pa kay Ian, gusto niyang mabuhay ang anak niya na malaya at proud sa sarili.

“Nakakapanghinayang lang, isa lang ang buhay natin. Tapos apologetic ka pa, nahihiya ka sa sarili mo, hindi mo mailabas ang pagkatao mo. What a waste of life,” he said.