Kathden

Hello, Love, Again start na shooting sa HK

Vinia Vivar Jun 14, 2024
47 Views

Nasa Hong Kong na si Alden Richards kasama sina Direk Cathy Garcia-Sampana at iba pang cast ng Hello, Love Again para sa shooting ng nasabing pelikula.

Makikita sa video na ipinost ni Direk Cathy sa Instagram ang kanilang paglapag sa Hong Kong International Airport dala-dala ang kanilang mga bagahe.

Caption ni Direk, “Dito na si Ethan!!!” at nilagyan ng hashtags na #HLA #cathygarciasampana #aldenrichards.

Ethan ang pangalan ng karakter ni Alden sa Hello, Love, Goodbye at siyempre, sa Hello, Love Again din.

Sa video ay maririnig na tinanong ni Direk Cathy ang mga kasamahan ng “anong meron?”

Sagot ng isa nilang kasama, “Dito sa…”

Sumingit si Alden at sumigaw ng “Hong Kong!”

Sa Instagram Story naman ni Alden ay makikita rin ang video niya with co-stars Joross Gamboa and Jeffrey Tam.

“We are back!” sey ng tatlong aktor.

Makikita rin ang larawan nilang tatlo na nagkakatuwaan sa kanilang kwarto.

Nag-post din si Joross at Jeffrey sa kanyang IG account ng mga larawan nilang tatlo sa HK.

“SAME HOTEL SAME ROOM SAME FRIENDSHIP!!! #JEJODEN @aldenrichards02 @joross_gamboa,” caption ni Jeffrey.

Obviously, wala ang leading lady ni Alden na si Kathryn Bernardo sa Hong Kong shoot dahil sa ending ng Hello, Love, Goodbye ay umalis na ito patungong Canada kaya ang mga eksena niya for sure ay mostly sa naturang bansa at dito rin nga kukunan ang malaking bahagi ng sequel.

Hello, Love Again is set to be released in cinemas in November.