Calendar

Farm facilities ibinigay ni PBBM sa mga magsasaka
PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang launching ng Rice Processing System II project at Integrated Coconut Processing Facility (ICPF) kasabay sa turnover ng iba’t-ibang agricultural intervention sa mga magsasaka sa Misamis Oriental sa Brgy. San Isidro, Balingasag noong Martes.
Tutulong ang Rice Processing System II, na kinabibilangan ng multi-stage rice mill at apat na recirculating dryer, para mapabuti ang produktibidad at kahusayan ng mga magsasaka sa pamamagitan ng pagbabawas ng pagkalugi pagkatapos ng ani.
Ang First Community Cooperative (FICCO), isang multipurpose cooperative na may mahigit 100 sangay, ang mangangasiwa sa pagpapatupad ng proyektong ito.
Matatagpuan sa property ng FICCO ang P350 million Integrated Coconut Processing Facility (ICPF).
Ang proyektong ito naglalayong baguhin ang niyog na driver sa paglago ng ekonomiya sa pamamagitan ng paggawa ng mga produktong niyog na may mataas na halaga.
Nilalayon din nitong itaas ang farm gate price mula P8-9 kada nut hanggang P16-18 kada nut.
Magagawa ito sa ilalim ng SUnRISE (Solving Unemployment through Rural Industrialization, Sustainable and Enterprise).
Higit pa rito, isang pangunahing proyektong pang-imprastraktura na nagkakahalaga ng P90.8 milyon ang pinasinayaan kasabay ng Mapulog-Tuboran Farm-to-Market Road (FMR) sa Naawan.
Sa kabuuan, ang Kagawaran ng Agrikultura sa Hilagang Mindanao nagbigay ng mahigit P123 milyon bilang suporta sa mga hakbangin na ito.