Alvindia

Favoritism sa PhilMech itinanggi ni Dir. Alvindia

329 Views

MARIING itinanggi ni Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PhilMech) Director IV Dr. Dionisio Alvindia, ang napaulat na “favoritism” sa PhilMech.

Ayon kay Dir.Alvindia, ang bagong assigment ng walong PHilMech personnel sa mataas na position ay nararapat lamang dahil sila ang nakapagbigay ng mahusay at dekalidad na serbisyo sa kani-kanilang trabaho sa PHilMech para sa kanilang mga stakeholders.

Sinabi ni Dir. Alvindia, highly qualified at competent sa position ang walo sa kanilang bagong position bilang Deputy Director at Division chiefs at mula lahat ang mga ito PHilMech employees at may mataas na qualifications at pinag-aralan taliwas sa lumabas na report at aligasyon na taga-labas sila at hindi galing sa PHilMech na walang karanasan sa larangan ng agrikultura.

Samantala, ang walo namang opisyal na pinalitan sa posisyon ay may nakabinbing kaso ng administratibo at sila rin ang dahilan ng pagkakaantala ng implementasyon ng mga proyekto sa PHilMech na magbibigay sana ng benepisyo sa milyon-milyung magsasaka sa bansa.

Habang ang apat pang opisyal ay siya naman dahilan ng pagkaantala ng mga magagandang proyekto ng PhilMech na dapat sana ang pinakikinabangan na ngayon mga magsasaka.

Inihayag pa ni Dir. Alvindia na ang kaganapan ngayon sa PhilMech ay bahagi ng programa ng Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr’s. na linisin at tanggalin ang mga corrupt, incompetent at negligent personnel sa alin man sangay ng pamahalaan.

Aniya ang suspension ng walong PHilMech officials ay para mapabilis ang pagpapatupad ng mga magagandang programa ng gobyerno tulad ng PHilMech Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF), mechanization program at Coconut Industry Development Fund (Coco levy).

Si Dir. Alvindia ay umupo sa puwesto noong March 2022 at nangakong ipapatupad ang mga proyektong isinusulong ng Pangulong Marcos para sa kapakanan ng milyon-milyung magsasaka upang magkaroon ng “food sufficient” sa ating bansa.