Madrona

FBSE training ng DOT pinapurihan  ng House Committee on Tourism

Mar Rodriguez May 31, 2023
137 Views
Frasco
Tourism Secretary Maria Christina Garcia Frasco

Madrona: Pinoy hospitality haligi ng Philippine tourism

PINAPURIHAN ng House Committee on Tourism ang matagumpay na paglulunsad ng Department of Tourism (DOT) ng kanilang programa para sa kabuuang 43,813 indibiduwal mula sa iba’t-ibang panig ng bansa na sumailalim sa Filipino Brand of Service Excellence (FBSE) training.

Inihayag noong nakaraang taon ni Tourism Secretary Maria Christina Garcia Frasco na sa kauna-unahang pagkakataon ay maglulunsad ang Tourism Department ng isang ‘tourism education” sa para sa target nitong 100,000 Filipino bilang mga frontline tourism workers.

Dahil dito, sinabi ni Romblon Lone Dist. Congressman Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona, Chairman ng Tourism Committee sa Kongreso, na ang tinatawag na Filipino hospitality ang siyang haligi at pundasyon ng Philippine tourism kung kaya’t maraming turista ang naeengganyong bumisita sa bansa.

Binigyang diin ni Madrona na malaking bagay ang maibibigay ng FBSE training para sa mga lumahok sa nasabing training sapagkat mas lalo nitong mapapalakas ang turismo ng bansa sa pamamagitan ng kanilang sari-sariling kontribusyon na kinabibilangan ng mga restaurants, transportation at pasaluong centers.

Ikinagalak din ni Madrona ang todo pagsisikap ni Secretary Frasco na maisulong ang Philippine tourism sa pamamagitan ng mga programang lalong magpapa-angat dito kabilang na ang mga promotion nito sa international community.