Cayetano

Federalismo, patuloy ang pagdami ng suporta sa Senado

208 Views

PATULOY na dumarami ang lantaran nagbibigay suporta sa posibilidad ng Federalismo.

Ito ay matapos kumpirmahin ni Sen. Alan Peter Cayetano na nagsabing wala siyang nakikitang dahilan upang hindi suportahan ang iginigiit ni neophyte Sen. Robin Padilla na bigyan ng tsansa na gawin Federalism ang kasalukuyan sistema sa bansa.

Ayon kay Cayetano, nakikita niya ang seryosong adhikain ni Padilla sa pagsusulong ng Federalismo upang bigyan solusyon ang napakaraming balakid na kinakaharap ng bansa lalot sa ekonomiya sa kasalukuyan at tanging ang reporma lamang ang posibleng makapag bigay ng kaluwaga sa bansa.

“Kung meron naman po talagang yung passion po sa pederalismo at constitutional reforms, at yung pagtaas po ng presyo, yan po ay pagtutulong-tulungan po namin sa Senado,” ani Cayetano.

Si Padilla ang napapabalitang hahawak ng committee on Constitutional Amendment and Revision of Codes on Social Justice, Welfare and Rural  ay lantaran din nagsasabing panahon na upang bigyan ng tamang reporma ang kasalukuyan batas na aniya ay lipas na sa panahon.

Pinasalamatan din ni Cayetano si Padilla dahil sa pagpapakita sa kanya ng mga bagay na dapat niyang malaman sa Senado bilang isang baguhan na senador kung saan ay sinabi ng dating Speaker of the House ang kahalagahan ng paglilingkod para sa taong bayan.

“Kung may heneral ang ranggo ng mga taong magaling makipag-kapwa-tao, wala pong iba yun kundi si Senator Alan Peter Cayetano,” ani Padilla sa kanilang paghaharap ni Cayetano sa Senado.

“Dapat po ang intensyon natin lagi ay yung ikabubuti ng bayan, hindi po yung kung kanino tayo. Dapat yung mahalaga, yung loyalty at yung katapatan natin ay sa bayan,” Padilla was quoted as saying.

Sa parte naman ni Cayetano, sinabi niyang nararapat ng magkaisa ang bawat Pilipino upang matulungan ang bansa at mga tao sa gobyerno lalot kinakailangan aniyang magkaroon ng pagtutulungan sa gitna ng maraming hamon na kinakaharap ng bansang PIlipinas.

“At sa sobrang taas ng presyo ng mga bilihin, sa sobrang dami ng mga problema, whether administrasyon o oposisyon, majority or minority, we all have to play a role in building our nation at magtulong-tulong,” giit ni Cayetano.

Inaasahan din ni Cayetano na inaasahan niyang magiging isang elder statesman si Pangulong Duterte sa kanyang pag-alis sa pag ka pangulo para gabayan ang mga susunod pang hakbangin ng mga taong nagsisilbi sa gobyerno para sa kapakanan ng bayan.

“Kung ano man ang role natin sa Senate, tulong-tulong tayong lahat. Simple lang ang rule natin: tulong-tulong, pero ang tama ay tama, at ang mali ay mali,” ani Cayetano.