Calendar
Fiesta Mo sa USA sa mga 1st counting winners: Congratulations!
BINATI at pinalakpakan ng Fiesta Mo sa USA (FMSU) ang mga 1st counting winners nitong May 1, 2026!
Ibinahagi ng FMSU ang mga kandidato na 1st counting winners dahil sa pagbebenta ng raffle tickets na nagkakahalaga ng $5 bawat isa para sa kapakinabangan ng Bantay Bata Foundation.
Ipinahayag ng FMSU ang kanilang pagmamalaki sa mga 1st counting winners dahil sa kanilang naging ambag sa positibong pagbabago sa buhay ng kanilang mga batang benepisyaryo.
“Ipinakita ng mga kandidatong ito na ang tila simpleng pagbebenta ng raffle tickets ay maaaring maging malalaking hakbang sa pagbabago ng buhay at paghubog ng mga pangarap, lalo na ng mga batang nangangailangan,” ayon sa FMSU.
Ang mga 1st counting winners ng FMSU ay sina
FMSU Prince Clearwater 2026 “Eugene Przetocki”;
FMSU Princess Ocala 2026 “Liana Farris”;
FMSU Teen Tampa 2026 “Rachael Wyllie”;
FMSU Miss Tampa 2026 “Caylee Vera Rudolph”; at
FMSU Mrs. Brandon 2026 “Ciah Nice Burgess”
#fiestamosausa
#PageantForACause
#1stCountingWinners

