Leni

Financiers ayaw na kay Leni?

431 Views

Di na kasi mahahabol si BBM, may
‘alyansa’ pa sa CPP-NPA 

KULANG dalawang buwan bago ang inaabangang May 9, 2022 national elections, maugong na rin ang usap-usapan ngayon na marami nang ‘financiers,’ o ‘funders’ ni Leni Robrdo ang unti-unting kumakalas sa pinkalawan.

“Unti-unti nang sumasara ang kanilang gripo at marami na rin ang naglulundagan sa kabila,” anang isang negosyante na aminadong nakamasid sa mga kaganapang pampulitika sa bansa.

Samantala, isang personal secretary ng mayamang Chinese businessman na nakabase sa Binondo ang nakatanggap na rin ng utos mula sa boss na huwag na ring tumanggap ng tawag mula sa mga grupo ng kandidato, partikular na ang nasa “Kakampink Headquarters” sa Katipunan, Quezon City.

“My boss instructed us to stop all communications with Robredo’s people because, in his own words, we are just wasting our time and money,” anang sekretarya kasabay ng pagsasabing noon pang 2016 ay tumulong na rin ang kanyang boss sa kandidatura ni Robredo.

Isang ‘veteran reporter’ na nasa media team ni Robredo ang umalis na rin sa kampo nito at lumapit aniya sa ibang kampo dahil nagkakalat na ngayon ang kampo ng pinklawan.

“Their war chest has slowly drained and the funds are now becoming an issue. They started their campaign early and they have spent a lot on social media and ads. Now money is becoming hard to come by,” sabi ng mamamahayag.

Ayon sa kanya, taya pati pato na ang ginagawa ng kampo ni Robredo kung saan ay marami nang pinagkakagastusan ang mga ito tulad ng ginagawang maagang vote-buying, hakot crowds, t-shirts, ballons, banderitas, malalaking banda at artista, arkila ng bus, jeep at iba pang sasakyan, gayundin ang gastos para sa inuupahang photo editor, milyong budget para sa ‘PRs’ at ‘demolition jobs.’

“Some supporters are backing out now because they can sense that there is no way for Robredo to overtake the lead of rival Ferdinand ” Bongbong” Marcos considering his commanding lead in all the surveys and the proximity to election time,” sabi ng isang source na isa nang beterano sa larangan ng presidential campaign.

Isa pa sa nagiging dahilan kung bakit marami na ring ‘financiers’ na ayaw kay Robredo ay ang pakikipag-alyansa nito sa mga teroristang NPA na wala lalong maidudulot na buti sa kanilang negosyante at bansa.

“The declaration of President Duterte that there is an unholy alliance between the dilawans and the Communists have scared the funders big time and they are now trying to veer away from Robredo before it’s too late,”sabi pa ng mamamahayag.

“Expect Leni and her team to go all out as they wait for the result of the March survey. I heard they are waiting for a reputable survey firm to come up with a result favorable to Leni before launching their biggest PR offensive. Obviously, they wanted to slash Marcos’ lead to a manageable size so they can have elbow room to cheat come election time,” dagdag pa nito.

Ni LEE ANN DUCUSIN