Liza

First Lady Liza kinilala, pinarangalan sa Bacolod

189 Views

PINARANGALAN at kinilala si First Lady Louise “Liza” Araneta-Marcos sa isinagawang tree planting activity sa Bacolod City.

Isang puno ng Bitaog ang iniaalay para sa First Lady. Nakataim ito sa Upper East township ng Bacolod City, at ang unang puno ng ganitong uri na itinanim sa loob ng 34-ektaryang township development na ginagawa ng Megaworld.

Ang Bitaog tree (scientific name: Calophyllum inophyllum) ay kilala sa pagiging matibay, maganda, at mabangng bulaklak nito. Nagsisilbi itong natural barrier laban sa bagyo at iba pang kalamidad.

“We are privileged to dedicate this Bitaog tree in honor of First Lady Liza Araneta-Marcos. We are delighted to have this tree become a part of our developmental efforts here in The Upper East,” sabi ni Alliance Global Inc. CEO at Megaworld Chief Strategy Officer Kevin Tan.

Ayon kay Tan ang lokasyong ng township ay malapit sa puso ng Unang Ginang dahil dito nakatayo dito dati ang Bacolod-Murcia Milling Company (BMMC) na pinangasiwaan ng kanyang ama.

“Dedicating this tree to the First Lady is very symbolic for us as it will soon witness the rise of Bacolod’s modern central business district, just like how the century-old trees preserved inside the township witnessed the history of BMMC together with Mr. Araneta himself,” dagdag pa ni Tan.

Ang Unang Ginang ay sinamahan ng kanyang anak na si William Vincent Marcos, at mga lokal na opisyal gaya nina Bacolod City Mayor Albee Benitez, Negros Occidental 3rd District Rep. Jose Francis “Kiko” Benitez, at Bacolod City Lone District Congressman Greg Gasataya.