First lady and PBBM First Lady Liza Marcos at Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Photo: Liza Marcos FB

FL Liza Marcos sumaludo kay Pangulong Marcos matapos manumpa bilang Auxiliary Vice Admiral ng PCG

Chona Yu Jul 20, 2024
90 Views

First lady and PBBMAN officer and a gentleman!

Caption ito sa Facebook post ni First Lady Liza Marcos kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., isang araw matapos manumpa bilang Auxiliary Vice Admiral ng Philippine Coast Guard (PCG) Auxiliary.

Base sa mga litrato ng Unang Ginang, makikita itong sumasaludo kay Pangulong Marcos na commander-in-chief.

Sumaludo rin naman si Pangulong Marcos kay First Lady Liza Marcos.

Sa mga sumunod na larawan, makikitang yumakap ang Unang Ginang kay Pangulong Marcos.

Una nang pinasalamatan ni First Lady Liza Marcos ang PCG dahil sa mahalagang papel na ginagampanan nito para panatilihin ang maritime safety at maritime security, pati na sa pagtataguyod sa soberanya ng Pilipinas sa West Philippine Sea.