Calendar
Himas rehas na bakal ang suspek na isang Food Delivery rider matapos manghipo ng binti ng isang dalagang call center sa loob ng Bar sa Sampaloc Manila..
Food delivery rider swak sa selda sa paghipo ng binti ng dalaga
HIMAS-rehas ang 20-anyos na lalaki na inireklamo ng panghihipo sa binti ng 21-anyos na dalaga sa Kanto Tayo Bar and Restaurant sa Moret St., Brgy. 459, Sampaloc, Manila noong martes.
Nakilala ang suspek na si alyas Ger, food delivery rider, residente ng F. Flores St., Brgy. 176, Pasay City. na ayon sa report ng pulisya bandang alas-2:45 ng madaling araw inireklamo.
Base sa imbestigasyon, nag-iinuman ang biktima kasama ang kanyang mga kaibigan ng biglang lumapit ang suspek at hinaplos ang kanang binti.
Humingi ng tulong ang biktima sa bouncer ng bar na siyang tumawag kina PSSg Ronnel Aculana at Pat. Karl Anthony Bondoc para maaresot ang suspek.
Pagdating sa himpilan, ipinaalam sa suspek ang kanyang mga karapatang konstitusyonal alinsunod sa RA 7438.
Paglabag sa RA 11313 (Bawal Bastos Law) ang isasampa sa suspek.

