Fr Tagura binigyan ng bagong posisyon ni Pope Francis

168 Views

ITINALAGA ni Pope Francis si Society of Divine Word (SVD) Father Pablito Tagura bilang bagong Apostolic Vicariate ng Apostolic Vicariate of San Jose sa Occidental Mindoro.

Si Tagura, 60-anyos, na hanggang ngayon ay Rector at Dean of Studies sa Christ the King Mission Seminary sa Quezon City, ay papalit sa namayapang si Bishop Antonio Palang na nagbitiw noong 2018.

Sa loob ng apat na taon ang apostolic vicariate ay nasa ilalim ng pangangalaga ni Bishop David William Antonio ng Ilagan diocese bilang apostolic administrator.

Si Tagura ay ipinanganak sa Lagangilang, Abra noong 1962.

Ang bishop-elect ay kumuha ng Philosophy and Theology studies sa Divine Word Seminary sa Tagaytay City.

Siya ay na-ordinahan noong Disyembre 17, 1988 sa Bagued.

Noong 1997 nakuha ni Tagura ang kanyang Doctorate in Philosophy sa Marquette University sa Milwaukee, Wisconsin, USA.

Siya ay kasalukuyang miyembro ng Provincial Council of the Society ng Divine Word.