Calendar
Frasco nakatutok sa mga proyekto
𝗕𝗔𝗚𝗔𝗠𝗔’𝗧 𝗺𝗮𝘀 𝗻𝗮𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗮𝗯𝗮𝗹𝗮 𝗻𝗴𝗮𝘆𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗸𝗲𝗱𝘆𝘂𝗹 𝗻𝗶 𝗛𝗼𝘂𝘀𝗲 𝗗𝗲𝗽𝘂𝘁𝘆 𝗦𝗽𝗲𝗮𝗸𝗲𝗿 𝗮𝘁 𝗖𝗲𝗯𝘂 𝟱𝘁𝗵 𝗗𝗶𝘀𝘁. 𝗩𝗶𝗻𝗰𝗲𝗻𝘁 𝗙𝗿𝗮𝗻𝗰𝗼 “𝗗𝘂𝗸𝗲” 𝗗. 𝗙𝗿𝗮𝘀𝗰𝗼 𝗱𝗮𝗵𝗶𝗹 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗴𝘀𝗶𝘀𝗶𝗺𝘂𝗹𝗮 𝗻𝗴 𝗣𝗹𝗲𝗻𝗮𝗿𝘆 𝗱𝗲𝗯𝗮𝘁𝗲 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝟮𝟬𝟮𝟱 𝗽𝗿𝗼𝗽𝗼𝘀𝗲𝗱 𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗯𝘂𝗱𝗴𝗲𝘁 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗽𝗮 𝗿𝗶𝗻 𝗺𝗮𝘁𝗶𝗶𝘀 𝗻𝗴 𝗸𝗼𝗻𝗴𝗿𝗲𝘀𝗶𝘀𝘁𝗮 𝗻𝗮 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝘁𝘂𝘁𝘂𝗸𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗻𝗶𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗽𝗿𝗼𝘆𝗲𝗸𝘁𝗼𝗻𝗴 𝗶𝗺𝗽𝗿𝗮𝘀𝘁𝗿𝗮𝗸𝘁𝘂𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝗻𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗹𝗮𝗹𝗮𝘄𝗶𝗴𝗮𝗻.
Sa kabila ng nagsimula ng umarangkada ang pagtalakay ng Kamara de Representantes sa 2025 national budget, naisingit pa rin ng House Deputy Speaker sa kaniyang mahigpit na skedyul ang pagtutok sa mga proyektong isinulong nito sa kaniyang Distrito.
Ito ay matapos pangunahan ni Frasco ang ginanap na “turnover” ceremony sa Catmon, Cebupara sa bagong gawang covered court ng Binongkalan Elementary School na nagkakahalaga ng P4 million para magamit ng libo-libong mag-aaral ng nasabing paaralan.
Sabi ni Frasco na napakalaking pakinabang ang makukuha ng mga mag-aaral ng Binongkalan Elementary School sa kanilang bagong covered court sapagkat maaari nila itong maggamit bilang venue ng kanilang mga school activities gaya ng graduation ceremony at iba pang aktibidades.
“The new covered court for the students of Binongkalan Elementary School in Catmon will be a venue for their school activities and end of the year graduation ceremonies. Students and teachers will no longer be under the heat of the sun nor will their activities be rained out due to inclement weather,” sabi ni Frasco.