Calendar
Frasco tutok sa mga proyekto kahit abala sa budget hearing
๐๐๐๐๐ ๐’๐ง ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐น๐ฎ ๐๐ถ ๐๐ผ๐๐๐ฒ ๐๐ฒ๐ฝ๐๐๐ ๐ฆ๐ฝ๐ฒ๐ฎ๐ธ๐ฒ๐ฟ ๐ฎ๐ ๐๐ฒ๐ฏ๐ ๐ฑ๐๐ต ๐๐ถ๐๐. ๐๐ผ๐ป๐ด. ๐ฉ๐ถ๐ป๐ฐ๐ฒ๐ป๐ ๐๐ฟ๐ฎ๐ป๐ฐ๐ผ “๐๐๐ธ๐ฒ” ๐. ๐๐ฟ๐ฎ๐๐ฐ๐ผ ๐๐ฎ ๐ฏ๐๐ฑ๐ด๐ฒ๐ ๐ต๐ฒ๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ป๐ด ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐บ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐ฑ๐ฒ ๐ฅ๐ฒ๐ฝ๐ฟ๐ฒ๐๐ฒ๐ป๐๐ฎ๐ป๐๐ฒ๐ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฑ ๐ฝ๐ฟ๐ผ๐ฝ๐ผ๐๐ฒ๐ฑ ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ปa๐น ๐ฏ๐๐ฑ๐ด๐ฒ๐, n๐ฎ๐ธ๐ฎ๐๐๐๐ผ๐ธ ๐ฝ๐ฎ ๐ฟ๐ถ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐ธ๐ผ๐ป๐ด๐ฟ๐ฒ๐๐ถ๐๐๐ฎ ๐๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐ป๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฝ๐ฟ๐ผ๐๐ฒ๐ธ๐๐ผ๐ป๐ด ๐ถ๐ป๐ณ๐ฟ๐ฎ๐๐๐ฟ๐ฎ๐ธ๐๐๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐ป๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐น๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ถ๐ด๐ฎ๐ป.
Pinangunahan ng House Deputy Speaker ang inilunsad na “groundbreaking ceremony” para sa ipinagawa nitong bagong Carmen Public Market na nagkakahalaga ng P50 million, kasama na ang road concreting project na nagkakahalaga naman ng P15 million.
Ayon kay Frasco, ang dalawang nasabing proyekto ay napakahalaga para sa kaniyang mga kababayan. Sa pamamagitan ng bagong public market, mabibigyan ng pagkakataon ang mga maliliit na negosyante na makapagsimula ng kanilang negosyo lalo na ang mg magsasaka at mangingisda.
Ipinaliwanag ni Frasco na bukas na kaalaman na ang mga public market ang binabagsakan ng mga isda at gulay na hinahango ng mga mangingisda at magsasaka kasama na ang iba pang mga produkto.
Sabi pa ng kongresista, inaasahan din na sa pagbubukas ng Carmen Public Market, malayang makakapasok din ang iba pang mga produkto mula sa karatig lugar at lalawigan.
Dagdag pa ni Frasco, sa tulong naman ng kaniyang proyektong road concreting, maayos at mabilis na maihahatid sa mga lugar ang mga produkto mula sa kanayunan patungo sa bayan dahil mas magiging kombinyente ang pagbibiyahe sa iba’t-ibang produkto gaya ng mga agricultural products na in demand.
Ang Cantipay road ang magko-connect naman sa Barangay Puente at Barangay Cantipay na magsisilbing alternatibong daan para sa mga motorista na bumabagtas sa mga barangay na sakop ng Carmen.
Paliwanag pa ng House Deputy Speaker, ang pagbubukas ng Carmen Public Matket ang magsusulong ng local economy sa nasabing lugar. Kabilang na dito ang pagkakaroon ng mabilis na “access” para sa mga produktong nagmumula sa iba’t-ibang lugar gaya ng gulay at isda.