Gentri

GenTri campaign rally dinagsa

Dennis Abrina May 4, 2025
14 Views

Gentri1BONGGANG miting de avance ang naganap sa Gen. Trias, Cavite kung saan nagpakilala ang buong partido ng One Team GenTri na dinaluhan ng mahigit 20,000 katao noong Sabado sa Gen. Trias sports park sa Brgy. Santiago.

Pinangunahan nina reelectionist Mayor Luis Ferrer IV, Cavite 6th District, Congressman Antonio Ferrer at Vice Mayor Jonas Labuguen ang miting de avance.

“Ating mga kababayan, nandito po ako sa harap nyo. Hindi ko po ito kaya, hindi po ito kaya ni Cong. Ony at ni Vice Jonas lang.

Kailangan po namin ng tulong ninyo sa bawat isa. Kailangan namin ng kumpleto ang konseho, kung saan kaakibat po natin sila lahat sa ating gawain sa local na pamahalaan, kaagapay para sa mga proyekto para sa ating mahal na lungsod,” sabi ng alkalde.

Binanggit ni Mayor Ferrer ang mga proyekto ng local government sa nakalipas na 3 taon.

Ang mga ito ang pagpapagawa ng apat na malalaking public na paaralan sa Biclatan, High School sa Bacao, LRTA Elementary School at on-going na din ang paggawa ng classrooms sa Brgy. Santiago, Tropical Village HS at Pinagtipunan Elementary School.

Naging panauhin sa nasabit programa sina Senator Bong Revilla, Agimat Partylist Congressman Bryan Revilla, Gubernatorial bet Abeng Remulla at Vice Gubernatorial bet Ram Revilla.