Loren

‘Global boiling´ sanhi ng pang-aabuso sa kalikasan

91 Views

NAKAKABABAHALA na ang matinding init na nararanasan hindi lang dahil sa climate change dahil tinatawag ng sensya na ‘global boiling’ ang sobrang init dahil sa pang-aabuso sa kalikasan.

Ito ang paliwanag ni Senate President Pro Tempore Loren Legarda na nagsabing umabot na ang global temperature ng mundo sa napakataas na lebel at hindi dapat ipagwalang bahala.

Ayon kay Legarda, “a glaring symptom of a planet in crisis” ang all-time high record na 45°C heat index.

“The warning signs have been evident for years, but now we are truly facing the era of global boiling as aptly termed by the United Nations,” ani Legarda.

“We are no longer merely experiencing global warming; we are witnessing a planet that is boiling over with the consequences of our actions.

The extreme heatwaves, intensified storms and rising sea levels are clear indicators that we must act swiftly and decisively,” paliwanag ni Legarda.

Ipinaliwanag din niya kung gaano ka importante ang maintindihan ng lahat na ang bawat tao at bawat isa apektado sa mga nangyayari sa kapaligiran at hindi pwedeng iisantabi lamang.

Bilang senador, sinabi ni Legarda na lubos siyang nag aalala sa kahihinatnan ng ating bayan at gayundin sa buong mundo dulot ng lumalalang sitwasyon na dulot ng climate change.

“I urge for immediate action on both local and international levels. We must prioritize sustainable practices, invest in renewable energy sources, water security, sustainable and circular livelihoods and enact policies that mitigate and adapt to climate change’s devastating effects.

Furthermore, we must support initiatives that aim to adapt and build resilience in vulnerable communities,” giit niya.

Ipinunto din ni Legarda na ang bagay na ito tungkol sa kalikasan konektado sa ating social justice, economic stability at global security kayat walang rason aniya para balewalain lamang.