Frustrated homicide suspects nahuli
May 8, 2025
Calendar

Nation
GMA nanumpa kay PRRD
Ryan Ponce Pacpaco
Jun 15, 2022
330
Views
NANUMPA na si dating Pangulo at come backing Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo.
Pinangasiwaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panunumpa ni Arroyo sa Malacañang.
Si Arroyo ay nanalo sa katatapos na eleksyon bilang kinatawan ng ikalawang distrito ng Pampanga. Papalitan nito ang kanyang anak na si Rep. Juan Miguel Arroyo.
Ang dating Pangulo ay sinamahan ng kanyang anak na si Evangelina Lourdes Arroyo-Bernas.
Ito na ang ika-apat na termino ni Arroyo bilang kongresista. Noong 2018 siya ay naging Speaker ng Kamara de Representantes.