Gordon Dating Senador Richard ‘Dick’ Gordon

Gordon: Duterte dapat magpaliwanag tungkol sa Pharmally scam

148 Views

DAPAT magpaliwanag si dating presidente Rodrigo Duterte dahil siya ang nasa likod ng Pharmally at appointee niya ang mga nasasangkot dito.”

Ito ang mariin na salitang binitiwan ni dating Senador Richard ‘Dick’ Gordon kung saan ay tinukoy niya na ang dating pangulo ang isa sa mga utak at nasa likod ng Pharmally scam na ito.

Ang matinding akusasyon ni Gordon ay bunga aniya ng mga imbestigasyon na pinamunuan niya bilang chairman nuon ng Senate blue ribbon committee kung saan ay natalupan aniya nila ang bilyon bilyon halaga ng overprice na medical supplies sa gitna na Covid-19 pandemic nuon taung 2020 hangang 2021.

Ang Pharmally Pharmaceutical Corp, ayon kay Gordon ay pinamumunuan ng mga matatalik at sangang dikit na mga kaibigan ni Duterte na siyang nanamantala sa diumanoy mga medical supplies sa panahon ng pandemya.

“Sunod-sunod ang paglalabas nila ng pera ngunit walang dumadating na mga medical supplies. Maliwanag na inambush lang nila ang pera ng mga Pilipino at ang masakit dito ay panahon ito ng pandemya kung saan napakaraming Pilipino ang sadlak sa hirap, problema at kalbasyo dulot ng pandemya ng Covid-19,” ani Gordon.

Derechong tinukoy ni Gordon si Duterte bilang mastermind ng sindikato umano sa likod ng Pharmally operation na ito at mga krimen na umanoy kinasasangkutan ng nasabing kumpanya laban sa mga Pilipino sinamantala sa panahon ng kagipitan nuong pandemya.

“Duterte ordered the transfer of funds. He is the friend who never paid our government his taxes but only a few thousand for how many years. The Filipino must win a major victory over corruption. We should file plunder and not just graft and corruption charges. This is just the beginning; we have to unravel everyting and file plunder cases vs. everyone involved,” giit ni Gordon.

Ikinuwento rin ni Gordon kung paano siya tinitira at inaatake ng mga masasakit at masasamang salita ni dating Pangulong Duterte nuong mga panahon na yun dahil hindi siya nagpadikta dito sa imbestigasyon bagkus at binusisi niya ang mga karumal-dumal na pananamantala ng nasabing kumpanya sa ating mga Pilipino nuong panahon na yun.

“Gabi gabi kaming inaatake mismo ng dating Pangulong Duterte but inspite of all the attack, we were able to gather all evidence against these people. Duterte has been defending these people and not the government. They call them his friends. Why is Duterte defending them? Hindi mangyayari ang lahat ng bagay na ito kung hindi kasama mismo si Duterte,” lahad ni Gordon.

Sa imbestigasyon na isinagawa ng Senado sa ilalim ng komite ng makapangyarihan na blue ribbon, ibinulgar ni Gordon na bilyon-bilyon pera ang sinamantala ng nasabing kumpanya gamit ang award na ibinigay sa kanila ng administrasyon ni Duterte kahit ang nasabing kumpanya ay walang sapat na pananalapi, walang matibay na kredibilidad na dapat pagbasehan ng anumang bidding komite na siya dapat pumili ng nararapat na kumpanya base sa dapat ay kakayahan.

Inamin ni Duterte na matigas ang kaniyang naging pasya nuon na dapat kasuhan siDuterte sa Ombudsman sa pagtatapos ng kanyang termino bilang punong ehekutibo ngunit ito ay hindi pinirmahan ng iba pang senador at siyam lamang sa mga senador ang umayon sa kanyang rekomendasyon samantalang ang iba sa mga ito ay hindi sumoporta. Kulang ng dalawang pirma ang draft na ginawa ng kanyang komite dahil nga sa hindi pagsang ayon ng napakaraming senador nuon na dikit sa dating pangulo.

“Kaya ngayon dapat habulin na natin ang mga yan na taga Pharmally. Inambush nila ang pera. Sunod sunod ang nilabas na pera pero hindi dumating ang mga delivery na binili natin. HIndi din nila maipaliwanag sa hearing kung nassan napunta ang pera na ilang bilyon. Katarungan para sa ating mga Pilipino. Ito ang mga pulitiko na walang budhi. Pag hindi natin ginawa ang dapat natin gawin, lalamunin tayo ng mga dambuhalang yan. Dapat natin ipanalo ang katarungan dahil napakaraming Pilipino nuon ang nagdusa sa gitna ng pandemya na pinera lamang ng ilan sa mga pulitikong ito,”pagtatapat ni Gordon.

“Malaking sindikato ang mga ito. Puro appointee ni Duterte. Siya ang tagatakip at gabi-gabing binabanatan ako, ang COA, ang blue ribbon at pinagtatakpan ang mga mga bata niya. Ginawa niya ang pagtira sa akin para pagtakpan mga kabuktutan niya. Ngayon na lumalabas na yan, para silang dumura sa langit. Babalik lahat yan sa pagmumukha nilang lahat. Kaya nga hindi rin ako nananalo that time. Salamat na lang ngayon sa Ombudsman dahil hindi sila sumuko. Nag-aabang dito ang maraming Pilipino,” pagdiriin ni Gordon.

Sa nasabing rekomendasyon din ni Gordon, inilahad niya na dapat kasuhan ng plunder si Duterte at ang kanyang mga umanoy kaalyado.

“We should coordinate with proper government agencies. Even interpol. Ang tagumpay ng kasong ito ay tagumpay ng maraming inapi na Pilipino. Victory over corruption. This is just the beginning ,” ani Gordon na naniniwalang umpisa pa lamang aniya ito at marami pang mga mabubuksan na isyu kaugnay ng nasabing maanomalyang proyekto na ito. Nina PS JUN M. SARMIENTO & CAMILLE P. BALAGTAS