Gov. Dolor

Gov. Dolor, maybahay nakiisa sa Presbyteral ordination ng 2 bagong pari sa Calapan

97 Views

ORIENTAL Mindoro–Nakiisa si Gov. Humerlito “Bonz” Dolor kasama ang maybahay niyang si Hiyas Govinda Ramos-Dolor sa Presbyteral ordination ng dalawang bagong pari ng Apostolic Vicariate ng Calapan sa Sto. Niño Cathedral, Calapan City noong Hulyo Lunes.

Ang ordination nagbigay-daan kina Rev. Jeric S. De Leon ng Gloria at Rev. John Bryan Chester H. Delen ng Socorro na maging opisyal ng mga pari.

Pinangunahan ni Apostolic Vicar of Calapan Most Reverend Bishop Moises M. Cuevas D.D. ang ordinasyon ng dalawang pari kasama ang lahat ng paring bumubuo sa Apostolic Vicariate ng Calapan, Oriental Mindoro.

Ipinagkaloob din ni Bishop Cuevas sa dalawang bagong pari ang kanilang katibayan ng ordinasyon sa pagkapari. Pinagkalooban ng sertipiko ng pagkilala ang kanilang mga magulang.

Ang buong pamilya ni Gob. Bonz buo ang suporta sa mga
pagpupunyagi ng simbahang Katoliko na patatagin ang pananampalataya sa Panginoon.

Saksi sa okasyon sina 1st District Rep. Arnan Panaligan at Calapan City Mayor Malou Morillo.