Langis

Gov. Garcia: 1.2M lito ng langis nasipsip na mula sa oil spill

Christian Supnad Sep 6, 2024
67 Views

LIMAY, Bataan — Iniulat ni Gov. Joet Garcia noong Biyernes na ayon umabot na sa 𝟏,𝟐𝟓𝟒,𝟖𝟖𝟗.𝟓𝟖 litro ng langis ang nasipsip mula sa lumubog na MT Terra Nova sa Limay, Bataan, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).

Ganoo na karami ang nasispsip na langis sa average flow rate na 22,315 litro kada oras.

Samantala, 1,217,945 na litro ng oily waste ang dinala na sa treatment facility sa Marilao, Bulacan.

Pansamantalang itinigil ang siphoning mula pa noong Setyembre 2 dahil sa bagyong Enteng at habagat.

Patuloy ang pagtatapal sa mga manhole at air vents ng lumubog na MT Jason Bradley upang tuluyan nang mapalutang ang barko.

“Tuluy-tuloy pa rin ang pagpapatrolya ng Oil Spill Response Team (OSRT) sa baybayin. Sa kasalukuyan, negatibo sa oil sheen o oil spill ang mga lugar na minomonitor,” dagdag ni Gov. Garcia.

Ang sumadsad na barkong MV Mirola 1 nakadaong na sa Diving Industry Shipyard sa Brgy. Alas-asin sa Mariveles mula pa noong Agosto 22 at binabantayan ng mga tauhan ng PCG.